Nang sumunod na araw ay mas naging abala ako sa school. Maraming school project ang kailangang tapusin at dapat i-submit sa araw ng deadline. Mabuti na lang at walang nangungulit sa akin. Speaking of nangungulit, madalas na lang si Lander kung magparamdam sa akin. Kung papansinin niya man ako ay tungkol lang ito sa thesis na ginagawa namin yun lang at wala nang iba pa. Kung makikita ko man siya ay panandalian lamang, umaalis siya kaagad. I wonder kung nasaan siya ngayon? Iniiwasan niya ba ako? Genafe, why are you suddenly concern about him? Umiling na lang ako."Kanina ka pa tulala ah, may problema ba?" Tanong ni Christine sa akin. Nakakapagsalita pala 'to akala ko habang buhay na siyang magiging pipi. Joke lang.
"Wala, daming project kasi eh." Sabay baling sa mga librong hawak ko. Nandito kami sa library nanghihiram ng libro para sa isang subject namin.
"Ang sabihin mo, namimis mo lang si papa Lander. Tagal na nang magparamdam 'yun ha, akala ko ba gusto mo siya?"
"Ha? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako, magkakagusto sa kanya? Kelan pa?"
"Talaga lang ha, kakainin mo din ang sinasabi mo sa huli." Napailing siya sa akin.
"Tama na ang chika. Halika na, gutom na ako. Punta tayo ng canteen." Sabay hila sa amin papalabas ng library.
Dumiretso na kami sa canteen. Napatingin ako sa oras at 12 noon na. Lunch na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras.
Bumili na din ako since wala akong dalang baon sa pagmamadali. I ordered adobo at isang rice. Sinamahan ko na din ito ng bottled water. Umupo na kami at nagsimulang kumain.
"Gen samahan mo naman ako sa mall mamaya bibili lang ako ng bag. You know time for a change. Noong isang araw ko pa iyan sinabi sa inyo pero hindi niyo ako sinamahan." Nakapoit niya pang saad habang ngumunguya ng pagkain.
"Oo na sige na makakatanggi pa ba kami?" Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
"Yehey, thank you! Mamaya ha? Can't wait to buy that bag!" Pumapalakpak niya pang sabi.
Mabilis na tinapos namin ang pagkain dahil mag-oone na. May pasok pa kami sa susunod na subject namin. Agad din kaming pumasok at umupo na. Maya-maya pa'y dumating na din ang prof namin. Nagdiscuss siya ng previous lesson at nagbigay ng maikling quiz.
Nang matapos ang klase namin ngayon araw ay dumiretso na kami ng mall. Madaming tao din ang nandoon. Kahit weekdays ay hindi yata nauubusan ng tao sa mall.
Pumunta kami sa isang boutique na nagtitinda ng bags. Madaming nakadisplay na bags ang makikita mo. Yung iba ay mabibili mo rin sa murang halaga. Tumagal kami ng ilang minuto sa pagpili ng bag.
"Ano ang mas maganda? Blue or red?" Sabay taas ng bag sa harap niya.
"Siguro itong red. Pareho lang naman silang maganda."
"Okay I'll take the red one." Isang shoulder bag ang kanyang napili. Dumiretso kami sa cashier para bayaran ito.
"Let's eat muna bago tayo umuwi. My treat." Dahil sa pagod na paglilibot ay sumang-ayon na din kami. Sumunod kami sa kanya sa KFC. Nag-order din kami agad.
Nilantakan namin ang pagkain. Mukhang patay gutom kami sa ginagawa namin. Napatawa na lang ako.
"Hey si Lander ba iyon? May kasamang babae ah. Taray ang ganda naman ni ate." Sabay nguso sa likod ko. Because of curiosity ay lumingon ako. At nandoon nga siya. Nakingiti habang sinusubian siya ng pagkain ng babae. Masaya silang naghaharutan sa harap ng pagkain. They are meters away from us. Pamilyar ang babae sa akin dahil ito yung babaeng nag-approach sa amin nung isang araw. Hannah is the name. What a small world isn't it? Parang may sarili silang mundo. Hindi alintana ang mga tao sa paligid.
Parang may kumurot sa puso ko. Pilitin ko mang ialis ang titig ko sa kanila ay hindi ko magawa. The looks of them makes me want to get Lander away from her but to go with me instead. Siya ba ang pinagkakaabalahan ni Lander this past few days? Hindi ko na kayang tumingin pa at binalik ko ang tingin ko sa pagkain. Nawalan na ako ng gana.
"Tara na uwi na tayo. Biglang sumama kasi ang pakiramdam ko eh."
"Huh? Hindi pa tayo tapos. Okay ka lang ba? Sige Tara na para makauwi kaagad." Tinake-out lang namin ang food na matira namin.
"Jelyn, Christine una na ako ha. Salamat sa treat. Mag-jejeep na lang ako dito."
"Okay ingat ka ha. Uminom ka ng gamot pagka-uwi mo." Sabay beso sa kanila. Kumaway na ako at pumara ng jeep.
Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nagluluto ng hapunan. Parang lutang ako at 'di man lang nag-abalang kamustahin si mama. Dirediretso langa ako sa pag-akyat papuntang kwarto. Dumapa ako sa Kama at nagsilabasan na parang baha ang mga luha ko. Hindi ko I to napigilan. Why do I fell this kind of emotion? Parang pinupokpok ng martilyo ang puso ko. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. May nagtext doon.
Lander:
Let's meet tomorrow at school we will discuss about our thesis.Simple lang ang text niya. Natype ako ng 'OK' at sinend iyon. Napaisip ako. I need to stop this feeling habang maaga pa. Ayoko sa huli ay masaktan ako. Tatapusin ko kung ano mang ugnayan ang namamagitan sa amin. I can't control this feeling. Kailangan ko itong pigilan bago mahuli ang lahat. I will guard my heart from the pain and I will never tell him my feelings. Nakatulog ako sa pag-iyak.
--------------------------------------------------Sorry for the long wait.Labyu guys. 😂
Comment. Comment po tayo. 😊 ✋✋
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen FictionIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...