Oh here's the chapter 5 !
Read.Be a fan.vote.comment para sa next UD ko. Enjoy reading , Thank you!
____________________________________Maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Putek ang ingay umagang-umaga eh binubwiset ako.Actually kahapon pa matapos akong arrggh!! Nakakainis lang talaga wala na bang araw na hindi ako ginugulo ng lalaking 'yon? Bakit ko ba siya iniisip ? Pinatay ko naman agad. Hindi pa ako nakakabangon mula sa pagkakahiga ko, nang biglang nagring ang message alert tone ko.Nakita ong unregistered number ang nakalagay.At sino naman itong nambubulabog ng ganito kaaga?Binuksan ko ito.
Be ready at eight, please don't be late.
Don't forget to bring materials needed. See yah.:)
-L.J
Huh? At sino naman ito?Nireplayan ko siya.
Me:
Sino 'to?
I press the send button at wala pang isang minuto ay may nagreply.
Siya:
Don't you remember me? It's Lander Miss clumsy.
Aba't nagawa pa akong inisin ng lalaking 'to?
M:
At saan o naman nakuha ang number ko aber?
Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at kumuha ng towel para makaligo na habang naghihintay ng reply niya.Hinanda ko na rin ang damit na susuotin ko since magkikita kami ng unggoy na 'to.Pati weekends na sana ay pahinga ko,iniistorbo niya kainis lang.Kung hindi dahil sa thesis na 'yan hindi sana kami magkikita masisira lang ang buong araw ko.Tumunog ang cp ko at binuksan ito.
S:
I have my source miss. Be ready and don't be late.
Naligo na ako at nagbihis ng maayos na damit. Para naman magmukhang disente ako sa harap niya. I wear my usual t-shirt and maong pants. Tinernuhan ko ito ng flat doll shoes na binili ko pa sa ukay-ukay. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si mama na nagluluto ng agahan.
"Oh maaga ka yata,may lakad ka ba at bihis na bihis ka?" Puna sa'kin ni mama.
"Ah,may pupuntahan lang po ako sa classmate ko gagawa ng thesis namin." Sabi ko sabay subo ng kanin. Nakakagutom naman kasi ang inihandang breakfast ni mama. Hmm sarap.
"Sige basta umuwi ka lang ng maaga dahil may pupuntahan pa akong importante.O siya ikaw na muna ang bahala dito gigisingin ko muna mga kapatid mo,tanghali na tulog pa rin." Umiling si mama at tumuloy na sa pagpasok sa kwarto ng mga kapatid ko.Tinapos ko na ang pagkain ko at lumabas na para pumunta sa angels cafe. Hindi naman siya as in malayo na store dahil parang ang bahay namin at malapit sa siyudad. Hindi ka na mahihirapan sa pagpunta sa kung saan mo gusto.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen FictionIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...