Enjoy reading this short update. 😊😘👇
------------------------------------------------"I don't share what's mine, Do you understand?"
Pauli-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga sinabi niya kagabi. Parang sirang plaka na pauli-ulit na tumutugtog na kahit anong pilit kong alisin sa utak ko, nandyan pa rin. I don't know kung paniniwalaan ko siya. I mean ilang months pa lang kami magkakilala and then now.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa panliligaw sa akin. Nalilito na ang isip ko sa mga sinasabi niya sa akin. Napailing na lang ako nang wala sa oras.
"Anak! Hindi ka pa ba bababa? Tanghali na. Ano bang oras ng pasok mo?" Sa sobrang pagmumuni-muni ko ay hindi ko napansin ang oras.
" Nandyan na po ma saglit lang po." Kanina pa ako nakahiga sa kama ko, kung hindi pa ako tinawag ni mama malamang nandon pa rin ako nakahilata at malalim ang iniisip. Kaagad akong bumangon at tinungo ang banyo.
Bumaba na agad ako pagkatapos kong maligo. Naabutan ko silang kumakain ng agahan. Isang simpleng hotdog,ham at fried rice ang niluto ni mama. Sarap na sarap ang mga kapatid ko sa pagkain.
Pagkatapos ng agahan ay nagpaalam na akong pumasok sa school. Pumara ako ng jeep at sumakay na.
Pagdating ko ng school ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko."Good morning!" Sabay halik sa pisngi ko. Malapad ang mga ngiti nila.
Maya-maya pa'y dumating na ang prof namin at nagsimula nang magklase sa amin.
"Okay class that's all for today and don't forget to pass all yoir requirements next meeting." Yun lang ang naiintindihan ko buong klase. Parang lumulutang ang utak ko sa kung saan hindi ako makapag-concentrate sa class discussion namin. Ewan ko ba napuno na yata ang utak ko ng maraming school works this pass few days sumabay kasi lahat eh.
Pagkalabas namin ng room ay naabutan kong nakatayo sa labas si Damon. Nagtatakang sinalubong ko siya.
"Hey, can I invite you for lunch?" Paanyaya sa akin ni Damon. Yung dalawa sa gilid ko halatang kinikilig sa biglang paanyaya niya sa akin.
"S-sige pero.." Biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Christine.
" Aba okey lang kami atsaka sabay naman kami diba?" Halatang pinagtatabuyan ako ng dalawang ito ah.
" Ah oo nga hehe." Si Jelyn. Magsasalita pa sana ako nang biglang hinila ni Christine ang kamay ni Jelyn at agad na umalis.
"So? Let's go? Don't worry it's my treat." Hinawakan niya ang kamay ko at agad na inalayan papuntang canteen.
Agad kaming naghanap ng mauupuan since halos lahat ng seat ay may nakaupo na. Maraming nakatinging mga estudyante sa amin. Narinig ko ang bulung-bulungan nila. Well kasama ko si Damon kilala siya sa school. Marami nga ang nagkakagusto sa mokong na 'to.
"Just wait here and I will order our food first okay?" Bilin ni Damon sa akin agad naman akong tumango bilang tugon.
Biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bag at nakita kong may message doon.
Lander: why are you with him?!
Huh? Ano naman ang kailangan nito sa akin?
Ako: It's none of your business.
I hit send pagkatapos. Luminga ako sa paligid at nakita ko siyang nakaupo sa di kalayuan. Nanliit ang mata kong nakatingin sa kanya.
Kasama niya kasi si Hanna at kung makakapit sa braso ni Lander akala mo kung tuko at ayaw bitawan.
Pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Nagtagpo ang mga mata namin at matalim siyang nakatitig sa akin. Siya pa itong may ganang magalit sa akin. Eh kung kasama niya yung Hanna na yun hindi niya maitaboy.
Napairap na lang ako at binaling ang tingin kay Damon na kararating lang bitbit ang isang tray na puno ng pagkain. Inilapag niya ng maayos ang mga pagkain sa mesa at nagsimula nang kumain.
Nagvibrate ulit ang phone ko at hindi ko ito pinansin baka si Lander na naman yun at nangungulit bahala siya sa buhay niya kainis.
"Are you okay Fe?" Tanong sa akin ni Lander.
"A-ah o-oo"
"Parang galit ka yata eh. Ayaw mo ba ng food? Papalitan ko."
"No, It's okay." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
Bagay talaga sila
Ang sweet nilang dalawa
Rinig ko ang bulung-bulungan sa paligid. Bumulong pa sila naririnig ko naman. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapatingin sa kanila. Pinupunasan ni Hannah ang gilid ng labi ni Lander. Sa totoo lang masakit sa mata. Heto naman siya ni hinayaan niya lang na gawin ito sa kanya. Nanadya ba siya?
Pilit kong tinatapos ang kinakain ko kahit nasa malapit lang sila. Mang walang ano ano'y naglapat ang mga labi nila. What the--. Ilang segundo akong hindi makagalaw at nanatiling nakapako sa eksenang nasa harapan ko ngayon. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Dapat hindi ako makaramdam nito diba? Pero bakit? Hindi man lang nagawang itulak ni Lander sa Hannnah.
Napatayo ako ng wala sa oras at natabig ko ang bagay na nasa mesa na nakalikha ng tunog. Napatingin ang lahat sa akin. Including them.
"Fe, are you okay?" Biglang dalo sa akin ni Damon.
"Y-yes okay lang ako. S-sorry." Agad kong pinulot ang nalaglag kong libro sa sahig. At pilit na ngumingiti namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Genafe please calm down. Tinulungan naman ako ni Damon na damputin ito at walang lingon-lingon na umalis doon. Hindi ko na marinig ang pagtawag ni Damon sa akin dahil tuloy-tuloy na akong lumakad. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante sa bigla kong pag-walkout pero wala doon ang atensyon ko. Basta tuloy-tuloy lang akong naglakad at di alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Please be strong Genafe don't let this feeling break you. Protect your heart please.
--------------------------------------------
Hi to everyone! ✋
Thank you for still supporting this story although matagal na siya at di ko matapos-tapos. Maraming school works kasi ang dapat tapusin. Kailangang maipasa on time kaya wala nang time para magsulat ng update but hoping this time makapagupdate na ako.Hope to see your votes and comments now. This will inspire me to continue writing this story. Maraming salamat po! 😘😘Ps. Summer is fast approaching. 😂🌞🌊
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen FictionIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...