Chapter 10

34 4 15
                                    


Nanatili akong nakatulala at hindi makagalaw sa sinabi niya. Parang hindi pa naa-absorb ng utak ko kung ano ang sinasabi niya. Tila hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon.

"I think I like you... Gen."

"I think I like you... Gen."

"I think I like you... Gen."

Paulit-ulit na nag-eecho ang tinig niya sa utak ko. Yung salitang sinabi niya sa akin. Tumatambol ng malakas ang puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?

"Hey, magsalita ka naman. Nagalit ka ba sa sinabi ko? You know it's not that gusto ko na sabihin na gusto mo rin ako. But I can wait for the right time. And from now on I'll court you whether you like it or not."

"What?! T-teka..." Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang napatingin sa akin. Hindi talaga siya nagbibiro.

"Yes you heard it right. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito and I don't want to let go this feeling." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. To think that ilang months lang kaming magkakilala,then suddenly I'm into this situation?

Bago lang 'to sa akin. If ever na sasagutin ko siya, he is my first boyfriend. Can I give it a try? Can I take the risk?

'Wag kang bumigay Gen. Tandaan mo baka masaktan ka lang sa huli. You don't know what's the consequences of being in a relationship.

Grab the opportunity Gen diba I to naman ang gusto mo? Nandito na papakawalan mo pa?

Nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Madaming what if's na bumabagabag sa isip ko.

"H-hindi ko alam. Kasi..."

"You don't have to rush. I can wait for the right time just please let me court you." Yun lang ang sinabi niya. Pagkatapos ng mahabang drama namin ay pumunta na kami ng school may pasok pa kasi kami. Pinilit ko lang siya na bumalik na dahil hindi ko na kaya ang atmosphere sa pagitan namin.

Almost a week na rin na nanliligaw si Lander sa akin. Araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak sa kanya. Todo naman ang asar sila Christine sa akin. Pumapag-ibig na raw ang peg ko.

"Ayiee! Si peruha dalaga na! Kung ako sayo sasagutin ko na yan. Tsaka ang gwapo talaga ni papa Lander 'no!"

"Tumahimik ka nga kung makasigaw ka akala mo ikaw lang ang nandito." Siniko ko siya dahil ang ingay niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase namin. Nakita ko rin si Lander na malaki ang ngisi sa mukha akala mo nakajackpot sa lotto.Mabuti na lang at may sinusulat ang prof namin sa board at hindi nito napansin.

"Okay class go to your partner and discuss chapters 4 and 5 of your research. I want it to be finish by the end of the week. I will announce the schedule of your defense tomorrow. Is that clear?" Nag- yes naman ang lahat. Mabuti na lang at naumpisahan na namin gawin iyon. Hindi na kami mahihirapan kung sakali.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Amoy niya pa lang ay naamoy ko na. He has a scent that gets you addicted when he is near.

"Hi babes. How are you?" Bigla namang pumula ang pisngi ko sa endearment na tinawag niya.

"Tumigil ka nga ang landi mo!" Sabay sapak sa kanya sa balikat.

"Awww naman babes. Alam mo naman na sayo lang ako malandi diba?" Ngisi niya sa akin.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon