Tahimik lang kami ni Lander habang nagmamaneho siya. Tanging tunog ng makina ang pumapagitna sa namumuong katahimikan.
Ibinaling ko ang aking tingin sa bintana. Mga naglalakihang nga gusali ang nadadaanan namin, mga sasakyang tumatakbo ng mabilis aakalain mong nagmamadali sa pagtakbo, parang mauubusan lang ng daan. Sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, parang sinasakal ako, nawalan yata ako ng dila para magsalita even just a single word.Ganoon na ba talaga ako kamahiyain at kahit simpleng salita lang ay hindi ko magawang isalita?
"Saan kita ihahatid?" Siya na mismo ang bumasag ng katahimikan. Binalingan ko muna siya bago nagsalita.Nakatutok ang kanyang mga mata sa daan.
"Sa lily street mo lang ako ibaba malapit na duon ang bahay ko lalakarin ko lang."
"No, I want to drop you on your house mismo." Pagpipilit niya pa.
"Hindi-" Magsasalita sana ako pero pinutol niya ulit ang sasabihin ko.
"I insist beside I don't let you walk that far." Aniya sabay kindat. Pssh, Hindi bagay sa kanya. Hindi na ako nakipagtalo pa.
Ibinaba niya ako mismo sa tapat ng bahay namin. Bumaba kaagad ako at isinira ang pinto. Pero nakakilang hakbang pa lang ako at nagsalita muli siya.
"Hey gen you forgot your cellphone..." Napalingon ako sa sinabi niya. Kinapa ko naman ang bulsa ko chinicheck kung nandun nga ang phone ko. At oo nga nawawala.Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang cellphone ko.
"Ah, thank you nga pala." Nag-alinlangan pa ako kung kukunin ko ito o hindi. Dahil siya na mismo ang naglagay sa kamay ko. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko sa kanya.
"Oh Genafe anong ginagawa niyo diyan sa labas at 'di pa kayo pumasok? Nakakahiya naman sa bisita mo at hindi mo papasukin." Nagulat ako sa biglang pagsalita no mama nasa labas pala siya ng bahay. Nakasuot pa ito ng apron at may bitbit na sandok.
"Good morning po tita. Naku hinatid ko lang po so genafe dito. Galing po kasi kami sa coffee shop may ginawa lang po. School project." Aba kung maka-tita akala mo close.
"Wala lang iyon iho. Abay pumasok ka muna at dito ka na mananghalian tamang-tama kaluluto ko lang ng sinigang na baboy." Paanyaya no mama. Napatingin ako sa kanya at lihim na nagsabi na tumanggi siya. Pero hindi paman siya nakakatanggi at hinawakan na siya ni mama sa kamay at pinasok sa loob ng bahay. Napasapo na lang ako sa noo sa ginawa ni mama.
Sumunod kaagad ako sa kanila at agad siyang pinaupo sa lamesa. Naghanda na si mama ng makakain at agad na nagsidatingan ang mga kapatid ko gaming ng kwarto.
"Oh, may bisita pala tayo, boyfriend mo ate?" Bungad na tanong ni Cj.
"H-hindi ko siya boyfriend no! Kaklase ko siya." Agad ko namang sagot sa kanya.
Ito namang si Lander kung makangiti wagas. Nangaasar pa 'to eh. "Bakit bagay ba kami ng ate no?" Sabay akbay sa akin.
"Aba naman opo kuya! Sayang hindi ka pala boyfriend ni ate."
"Wag kang mag-alala malapit na" bulong niya. Kaya sinapak ko siya sa braso.
"Hoy ikaw kung anong pinagsasabi mo sa mga kapatid ko.Mahiya ka nga." Napanguso ako.
"Aray naman ang sakit no'n ha. Sinaktan mo ang damdamin ko." Sabay sapo sa dibdib niya na animoy nasaksaktan.
"Oh siya tama na nga yang lambingan niyo at nilalanggam na ako dito hala, kumain na tayo." Mabuti na lang at dumating si mama. Pahiya ako dun ha.
Kumuha na ako ng pagkain at inilagay sa plato ko at nagsimulang kumain.
"Bakit ang konti lang ng kinuha mo? Here have some you got thinner. I don't like my future girlfriend to be sick." Lintaya niya at agad nilagyan ng kanin at ulam pa ang plato ko. Napatingin naman ako kila mama at ayun kinikilig habang titiningnan si lander na naglalagay ng pagkain.
I blushed. LANDER! Kung wala lang sa harap ko si mama sinapak ko na 'to. Hindi na ako nagpatalo pa at tinuloy ang pagkain. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag kainan.Walang humpay kasi si mama kung magkwento na out of place na ako dito. Eh di siya na ang anak ako na ang bisita dito. Feel at home pa si seniorito. Hanggang matapos ang pagkain ay hindi pa rin mawala wala ang halakhak niya. His laughter is like music to my ears. Hindi ka magsasawa sa pakikinig. Teka? Erase.erase. Magtino ka nga Genafe!Nagligpit na ako ng kinainan namin at nilagay ito sa sink. At si Lander naman ay busy sa paglalaro kasama ng mga kapatid ko ng PlayStation. Nagbonding pa ang tatlo.Umakyat muna ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Nagligpit na din ako sa kwarto ko. Pagkababa ko,nakita Kong mahimbing na natutulog si Lander sa sofa namin katabi ng mga kapatid ko. Napagod ata sa kalalaro. Tiningnan ko siya habang natutulog. Ang kanyang natural na mahaba ang pilik mata. Mukha niyang maputi at makinis ang manipis niyang pink na nga labi na nakaawang ng bahagya. Hindi mo maipagkakaila na gwapo ang batang ito. Among sabon kaya ang gamit niya at ganito kaputi ang balat niya?
"Hey done checking me out?" Napatili ako sa wala sa oras.
"Uy wag kang feeling gigisingin Sana kita eh hapon na at baka hinahanap ka na sa inyo."
"Tsk. Aminin mo,gwapo ako 'no?" With matching pogi sign pa at kindat.
"Ang hangin mo pre. Oh siya sige na hayaan mo na muna sila diyan,si mama na ang bahala."
"Sige po tita alis na po ako. Mag-gagabi na din po kasi."
"Sige iho. Basta balik ka dito ha? Wag kang mahiya." Si mama."Ihatid mo na siya sa labas anak."
"Oo na po. Tara na." Sabay labas at binuksan ang gate.
Napahikab naman si Lander ng konti habang papalabas.
"Sige I'm going Gen see you tomorrow dream of me." Sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko naman. Hindi ko namalayan na umalis na pala siya at hawak hawak ko ang pisngi na hinalikan niya. Matagal pa nagsink in sa utak ko yum.
What?! Did he just kiss me?!
--------------------------------------------------
Genafe Alarcon on the multimedia side :)Okay. After how many years may update na siya.😂 Tomorrow ang update ng Destined to you.
Comments for this chapter. Thank you!😘
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen FictionIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...