+Here's the chapter 7 😊
Short update . Enjoy reading!++13 left +
--------------------------------------------------
Naging madalas ang pagpunta ni Lander sa bahay walang araw na hindi siya pumupunta sa bahay namin. Ginawa niya na itong rest house o ano pang gusto niyong itawag. Palagi ko siyang naabutan sa sala kasama ng nga kapatid ko. Nagdadala din siya ng kung ano-ano katulad ng groceries parang siya na itong nagsusuplay ng pangangailangan namin.
Gustuhin ko mang tumanggi pero ayaw niya. Sa tuwing pag-uusapan ko ang tungkol doon magagalit siya. Sabi niya peace offering niya lang daw yun. Si mama naman ayun sinamantala ang kabaitan noting si lander. Ano bang pinakain niya sa pamilya ko at ganoon na lang kung pumunta dito? Nastre-stress tuloy ako.
"Hoy, kanina pa ako salita ng salita dito at nakikinig ka ba?"
"Aray! Alam mo napakasadista mo talaga. Kailangan bang batukan ako?" Saway ko kay Jelyn. Nandito kami ngayon sa field at kasalukuyang nagbabasa ng notes midterm exam na kasi namin ngayon at kailangan kong bumawi.Katatapos lang ng exam ko sa dalawang subject at naisipan muna naming mag-review. Napapansin ko kasi ng mababa ang grades ko noong prelim.
"Ano ba'ng isip mo? Napapansin ko lately tulaley ka na lang palagi. Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin.
"Wala naman madami lang talagang ginagawa tsaka kita mo naman diba?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi kasi 'yan titigil hanggat hindi mo sinasabi kung anong problema mas lalo ka lang niya kukulitin.Hindi niya na ako kinulit pa. Naming dalawa lang ni Jelyn dito. Young isa kasi nagka-chicken pox at hindi nakapasok ayun nasa bahay niya.
Binalingan ko na ulit ang notes ko at nagsimulang mag-review baka kung hindi ko pa simulan ay ma-didistract na naman ako.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay biglang nag-vibrate 'yung phone ko. Tiningnan ko ito at may tumatawag. Walang iba kundi si Lander. Sinagagot ko naman ito agad."Ano ang kailangan mo?" Bungad ko sa kanya.
"Ganyan mo ba sinasagot ang mga tawag mo at wala naman hello? You hurt me babe." Abat!
"Anong babe ka diyan? Ano akala mo sa akin baboy?!"
" 'To naman 'di na mabiro. Are you free today? I-invite kita ng lunch and I won't take no for a answer. Remember our deal?" Uminit ang pisngi ko sa galit. Kainis naman kasing deal na 'yan. Akala ko simpleng laro lang yun pero sineryoso niya pala.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Novela JuvenilIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...