Nagising akong nag-alarm ang phone ko. Pagod akong bumangon at dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin. Namamaga ang mata ko and I have a dark eyebags below my eyes. Parang Hindi ko nakilala ang itsura ko ngayon. Ako ba ito? Naligo na ako sa mahaba kong pagmumuni. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako agad ng uniporme. Pinatuto ko ang medyo mahaba kong buhok na lagpas balikat lamang. Naglagay din ako ng concealer para matabunan ang eyebags ko. Napabuntong-hininga ako at napagdesisyunamg bumaba na.Nakarinig ako ng malakas na pagtawa sa kusina. Rinig na rinig ko ang mga tawa nila kahit pababa pa lamang ako.
"Haha oo nga hijo sa picture niya kasi diyan umiiyak siya kasi nagsisimula pa lang siyang matutong maglakad. Ayun sa pagmamadali nadapa siya." Rinig kong sabi ni mama. Wait hijo? Hindi muna ako masyadong lumapit sa kanila. Nanlaki ang mata ko na nakita si Lander dito. Anong ginagawa niya dito? Nakita kong hawak hawak niya yung photo album ko. Naku! Si mama talaga pinakita ba naman ang picture ko?
"Ang cute niya pa rin kahit nadapa siya." Sabay ngiti niya. Hindi bagay sayo hijo.
Lumapit na ako sa kanila at hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Lander.
"Good morning ma." Sabay halik sa pisngi ni mama.
"O anak sige kumain ka na. Nandito pala si Lander sabay na kayong pumunta ng school." Sabay hain ng pagkain para sa akin.
"Hindi na ma mag-jejeep na lang ako. Magiging abala lang ako sa kanya." Pagtanggi ko. Ayokong makasabay sa kanya.
"That's not a problem to me Gen, besides pereho lang tayo ng school na pinapasukan."
"Oo nga naman anak tsaka bawas pasahe na rin yun. Kaya dapat sumabay ka sa kanya." Pinal na desisyon ni mama. As if makakatanggi pa ako kay mama.
"O siya bilisan niyo na diyan at may pasok pa kayo." Yung nga kapatid ko ay maaga ang pasok nauna na silang umalis.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos kumain ay naghanda na kami papuntang school. Kahit labag sa kalooban ko ay sumabay na ako kay Lander. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad na pumasok na hindi siya pinapansin. I don't have the confident to start the conversation. Sa buong biyahe ay katahimikan lang ang bumabalot sa amin. He didn't dare to speak. Mabuti na rin iyon. Pagdating namin sa school ay bumaba na ako. Hindi na ako nag-abalang magpasalamat sa kanya. Dire-diretso lang ang lakad ko papuntang room.
Pagdating ko ay nagchichikahan pa ang dalawang peruha sa loob ng classroom. Todo tawa pa si Jelyn sa sinabi ni Christine. Akala mo sila lang ang tao sa mundo. Inilipag ko ang bag ko sa upuan. Yung rinig na rinig nila talaga. Kaya napatigil sila sa pagsasalita.
"Nandiyan ka na pala.Good morning." Si Christine. Sabay beso sa akin."Anong good sa morning kung mukha niyo na agad ang makikita ko?"
"Siyempre naman 'no were part of this story kaya. Magalit si miss A. Staka kung wala kami hindi gaganda ang story na 'to. " sabi niya habang nasa dibdib ang kamay. Kulang nalang mag-flag ceremony siya sa harap namin.
"'Wag kang ganyan. Hindi bagay sayo." Napatawa naman ako sa sinabi ni Jelyn.
"Sus,'eto naman." Nakapout niyang sabi. Mabuti na lang at dumating na si Miss Cinakatakutan. Oh diba pangalan pa lang nakakatakot na. Kasunod din. Nito si Lander na nakapamusla ang kamay. Nagtagpo ang mga mata namin. He gave me that 'mag-usap tayo mamaya look'. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling ang aking tingin sa nagdi-discuss na si miss. Hindi ko siya kakausapin mamaya bahala siya. There's nothing to be talked about.
Pagkadismiss ni miss ay dali-dali akong nagligpit ng gamit. Ayokong naabutan ni Lander. Nagpaalam lang ako na magsi-cr lang ako kay Jelyn. Nang makapasok ako ay agad kong nilock ang pintuan ng cr. Mabuti na lang at ako lang ang tao dito.
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. I look weak, parang wala akong gana para pumasok. I think magkakasakit ako. Naghilamos ako ng mukha,then nag-apply ako ng konting polbo ay lip gloss. Pinakiramdam ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng cr. Nakita kong nakasandal sa pader si Lander sa labas ng cr. Teka, anong ginagawa niya dito? May hinihintay ba siya? Pinagkibit balikat ko na lang iyon at nilagpasan siya. Ngunit nakakailang habang pa lang ako ng pinigilan niya ako sa kamay.
"Oh, anong kailangan mo?" Malamig kong tugon sa kanya. I can't see any response from him. But instead he drag my hand and lead me to now where .
"Uy,saan mo ako dadalhin? May pasok pa ako." Pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya. Nakarating kami sa parking lot at hindi ko alam kung bakit kami nandito.
"Get in." Madiin niyang sabi. Ayoko nga! Nang Hindi ako nagsalita ay pinuwersa niya akong pinasok sa loob ng kotse niya. I cross my hand in my chest. Ano namang kalokohan ito? Pumasok na siya sa driver seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin lang ako sa bintana at hindi siya tinapunan ng tingin. Galit ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at drive lang siya ng drive.
Hininto niya ang kotse sa isang park. What park? Agad naman siyang lumabas at 'di ako pinansin. Ano ngayon? Hihilahin niya ako tapos ganito lang hindi pa siya mamansin gano'n? Sumunod na din ako sa kanya. Nakaupo siya sa isang bench at nakapatong ang ulo niya sa paa. Mukhang problemado ang lolo. Tumabi ako sa kanya a few meters away. Nanatili siyang nakayuko at hindi man lang ako naramdaman.
"Ano ba ang pag-uusapan natin dito?" Pagbasag ko ng katahimikan. Inangat niya ang kanyang ulo at nakita ko ang lungkot sa mga Mata niya.
"Why are you avoiding me? You didn't reply to my text or calls."
"Wala. Tsaka hindi kita iniiwasan 'no madami lang talagang ginagawa gano'n." Dipensa ko. Gusto ko lang talaga siyang iwasan ngayon na iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko itong iwasan bago lumala.
"You know is this because of not being around---" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"No its not that. Hindi ako galit okay? I'm just stressed out this past few days. Wala itong kinalaman sayo." Lumapit siya sa akin at inabot ang mga kamay ko. Pinisil niya I to ng marahan na nagbigay ng kiliti sa tiyan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. His simple gesture makes my heart pop out my system. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
"I thought... Nevermind. Im sorry okay don't be mad at me. Just don't distance yourself to me. The thought of that.. Damn! You don't know exactly what are you doing to me." Nakatulala lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
"I think I like you..Gen." Then my world stops. What?
---------------------------------------------------
Okay the end HAHA! 😜
Thanks for reading! Comment, comment for the next chapter hihi!
-Winx
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Novela JuvenilIf you love someone, you are willing to do anything for him/her no matter how hard it is. Kapag tinamaaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala pa dito. Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo. Kahit na ilang beses ka mang masaktan basta makita mo...