Pie's POVEastMore University (EMU)
Sa wakas, nakarating din ako. Dito lang naman sa school na to nag-aaral si Ace.
Nagtransfer ako dito para magawa ang plano ko. Kasi tulad nga ng sabi nila, Keep your friends close. But keep your enemies closer.
Summer after high school graduation namin dati nung umalis ako dito sa Pilipinas at ngayon ay 3rd year college na kami ni Ace since magkasingtanda kami.
Last time I check, pareho kami ni Ace ng course. So it only means magiging magkaklase kami...
And I just can't wait to see kung anong magiging reaksyon nya pag nakita nyang nagbalik na ko.
Kaya tama na ang daldal. Andito na ko sa labas ng room ng first subject namin. Sinadya kong magpalate para sure na nandun na sya sa loob pag pinakilala ako ng professor sa unahan.
*knock! knock!*
"GoodMorning Ma'am!" Bati ko sa prof na nagbukas ng pinto.
"Oh, it's you. Miss Evans right?"
"Yes ma'am. Your new student."
"Uhm, alright. Let's go inside."
Pagkapasok namin, nanahimik ang lahat. May mga bàbaeng nagtaasan ang kilay. May mga lalaking halos lumuwa na ang mata. Napangiti na lang ako.
Hindi naman ako nerd dati pero aminado akong mas gumanda talaga ako ngayon. I mean, ang ganda ganda ko ngayon. Kaya ineexpect ko na yung reaction ng mga boys.
Then, may isang lalaki lang ang kakaiba ang reaksyon. Well, para ngang wala na syang reaksyon eh. Since dahil sa sobrang gulat, natulala na lang sya sakin.
Ang gwapo gwapo pa rin nya. Sobra. Kahit galit ako, di ko maiitanggi yan sa sarili ko. Mala anghel parin ang mukha nya. Parang artista.
Tss. Pero buti nalang alam kong napakalayo nya sa pagiging anghel.
Dahil ang totoo ay ang sama nya...
Sino pa nga ba ang tinutukoy ko?
Walang iba kundi si Ace.
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Hugot
RomanceAng puso ng tao ay parang Jigsaw Puzzle... Kahit ilang beses man mabasag o mabiyak biyak, maaari pa ring ito'y mabuo as long as nasayo lahat ng piraso. Pero kung wala, parang wala na ding silbi yung iba pang piraso. Dahil habang buhay mo nang marara...