Pie's POV
Dalawang linggo na ko dito sa Pilipinas and umaayon naman lahat sa plano ko.
Next week na yung Acquaintance party and all set na ang mga dapat kong gawin.
Pero ngayon, dahil ako na ang magiging Queen of the Night, kelangan yung King ang kadate ko right? At sino yun?
Syempre si Ace. For the last two years, sya ang nananalo.
Kaya eto, kakausapin ko na si Ace. Nasa car nya nga pala kami. Uwian na kasi and simula nung nakipagbati ako sa kanya ay lagi na kaming sabay umuwi. Hinahatid nya ko lagi.
"Chubs..." panimula ko. Tumingin naman sya at ngumiti.
"Bakit Chubs?"
"Gusto ko kasi ikaw ang date ko sa Acquaintance Party eh." Sabi ko with matching pouting lips nanaman.
"Hahahahhahaha."
Ha? Tumawa lang sya?
"Nakakaasar ka! Ako na nga nagyaya sayo tapos tatawanan mo lang ako. Bad ka!" Sabay hampas ko sa braso nya.
"Oy, oy, wag kang magulo. Nagdadrive ako. Pag tayo nabangga, mumultuhin kita."
Baliw talaga tong lalaking to.
"Kasalanan mo eh." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Tumingin na lang ako sa bintana.
"Hahaha. Sorry na Chubs ko. Natatawa lang naman ako kasi ang cute mo eh. Di ako makapaniwalang nagkabestfriend ako ng isang napakagandang babaeng tulad mo..."
*Tugs. Tugs.*
Parang nagpaparty party lang si heart ko. Bakit ba ganito? Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Di tuloy ako makatingin sa kanya.
Pero bigla nyang tinigil yung kotse sa gilid nung kalsada at hinawakan ang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya.
*Dugdugdugdug*
Sh*t. Traydor talaga si Heart kahit kelan.
"Chubs, wag ka nang mapikon. Okay? Syempre gustong gusto kong ikaw ang date ko no. Tatanungin na nga sana kita kaso inunahan mo ko. Masyado kasi akong gwapo eh. Actually, ngayong nagbalik ka na, I can't imagine myself with anyone else but you..."
Napanganga lang ako sa sinabi nya.
Pero sa utak ko, sinisigawan ko yung sarili ko.
Wake up Penelope! Manloloko ang lalaking nasa harap mo. Dapat ngayon ay naghihiganti ka sa kanya. Sya dapat ang pinapa ibig mo sayo. Hindi yung ikaw pa ang nahuhulog sa kanya for the second time! Wag kang tanga! Magkaibigan lang kayo ngayon pero look! Ang landi landi na nya.
"...so Penelope Idinna Evans, the most beautiful woman in my eyes, my one and only best bestfriend, will you be my date sa ating Acquaintance Party?"
Tinitigan nya pa ko sa mata. Oh no.
Plano ko to di ba?
Yan na lang ang sinabi ko sa sarili ko. Kelangan ko nang kumilos para makapaghiganti na ko.
Pero ngayon...
Niyakap ko na lang sya bilang sagot sa tanong nya.
Ayokong makita pa nya yung iba't ibang emosyon sa mukha ko. Dahil hindi ko na alam kung ano ba ang mas nangingibabaw sa kanila.
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Hugot
RomanceAng puso ng tao ay parang Jigsaw Puzzle... Kahit ilang beses man mabasag o mabiyak biyak, maaari pa ring ito'y mabuo as long as nasayo lahat ng piraso. Pero kung wala, parang wala na ding silbi yung iba pang piraso. Dahil habang buhay mo nang marara...