Chapter 15: Acquaintance Party III

76 6 0
                                    


Pie's POV

"Pie! Hello sissy! You look Gorgeous! Absolutely stunning!"

Haha. Si Iya yan habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaupo na ko ngayon dito sa table namin ni Ace pero umalis lang sya saglit kaya solo ako.

Ngayon ko lang narealize na di nyo pa nga pala alam kung anong itsura ko.

So eto. Mababa lang ako. 5'1. Then maputi ako. Yung puting parang kay Bella sa twilight. Then I have a long black hair na may highlights na brown kaya mukhang brown sya.

Tapos black eyes and pouty lips. Tapos I have a straight nose. Pang beauty queen ang peg ko.

Pero dati, di ko masyadong napagtutuunan ng pansin yung looks ko kaya siguro di ko napansin na ganito ako kaganda. Ganun ata talaga pag sa isang tao lang umiikot ang mundo mo.

By the way, looks ko naman ngayon ang pag usapan natin. Kulot ngayon yung long hair ko. Yung kulot pang artista. Tapos nakasuot ako ng strapless na cocktail dress. Skin tone ang color. Then may mga diamonds na design. Fit yung taas pero makambong ang skirt. Tapos nakakiller heels ako n 5 inch para pampatangkad. Haha. Syempre beauty queen ako ngayon no.

Pero masyado nang mahaba yung kwento ko kaya back to story na.

"Hi! You look beautiful too. Enjoying the night?" Tanong ko kay Iya.

"Uhm... yeah?" Sagot nya.

"Haha. Bakit parang di ka sure?"

"Basta. Next time ko na lang sayo ikwekwento. Asan nga pala si Ace?"

"Nakuha lang ng drinks. Pabalik na siguro yun." Sagot ko.

"Ah ganun? Cge. Relax ka lang dyan. Sure na sure nang ikaw ang mananalo sa gabing ito. Pero ngayon ay aalis na muna ako. Madami pang gagawin ang student council eh. Laters."

Umalis na sya. Member nga pala ng student council si Iya and sila ang organizer ng event na to kaya busy sila. Kasisimula pa lang naman nang gabing to. Kaya mahaba pa ang oras mamaya para makapag usap kami.

"Drinks?" Napatingin ako sa likod ko.

Akala ko ay si Ace na yung nagsalita pero iba pala.

Lalaki syang matangkad and gwapo din naman. Pero mas gwapo pa rin si Ace. Nakatayo sya at may hawak na dalawang baso.

"No. Thanks."

Tinalikuran ko na sya. Pero masyadong makulit. Umupo pa sa chair kaharap nung inuupuan ko.

"Miss, Jake nga pala. Pwedeng makipagkilala?" Tanong nya.

"Hindi." Maikling sagot ko na ibig sabihin ay wag na nya kong kausapin.

"Miss--"

"Jake, Wag mo na ngang kulitin yung girlfriend ko. Masamang magalit yan. Kakaratehen ka nyan." Nagulat ako dun sa nagsalita para sakin. This time, si Ace na to na may hawak na dalawang drinks.

Girlfriend daw?

Kelan pa? Pero dahil ayokong kinukulit ako nitong jake na to, hinayaan ko na lang si Ace.

"Girlfriend? Wow bro. Di kami informed. Andaya ah. Nakikipagkilala lang naman pati ako eh. Pakilala mo naman ako. Ganda ng gf mo bro." Sabi nung jake kay Ace.

Hanep. Pag usapan daw ba ko ng parang wala ako sa harap nilang dalawa?

"Ah, eh. Kababalik lang nya from abroad eh. She's Penelope." Sabi ni Ace.

"Penelope. A beautiful name for a beautiful lady. Hello." Sabi naman nung jake sabay abot nung kamay nya para makipaghandshake.

Di ko pa tinanggap yung kamay na inooffer nya. Tiningnan ko lang.

"Chubs ko, wag ka nang snob. Kateam ko sya sa basketball. Jake name nya. Mukha lang yang gago pero mabait yan."

Hays. Para di naman sabihing masama ang ugali ko, syempre kinamayan ko na. Feeling ko din naman ay mabait sya. Akala ko lang kanina ay hindi.

"Uhm, sorry for being a snob. Di lang talaga ako nakikipag usap basta sa stranger eh. Just call me Pie nga pala." Sabi ko habang nakikipaghandshake. Tapos nginitian ko sya.

"Pare, bitaw na! Abusado ka na."

Natawa naman ako sa sinabi ni Ace. Pero totoo naman. Parang ayaw nang bitawan ni jake yung kamay ko eh.

"Grabe. Possesive ka pare." Sabi ni Jake sabay bitaw sa kamay ko.

"Ganun talaga. Dun ka na nga. Chupe." Sabi pa ni Ace. Pero pabiro lang naman. Tingin ko close friends sila. Hindi lang basta team mates.

"Hahaha. Sige na nga bro. Excited kang masolo si Pie eh. Hahaha."

Natatawa na din ako sa mga pinagsasasabi ni Ace kaya sinabayan ko na lang si Jake tumawa.

Sabay tumayo na si Jake at naglakad palayo. Pero bago sya makalayo ay tumingin uli sya samin ni Ace at may isinigaw.

"Ingatan mo Bro ha! Ang swerte mo sa kanya!" Napangiti naman ako sa sinabi nya. Kung alam lang nya...

Di ko naman talaga boyfriend si Ace...

Malapit pa lang. *evil smile*

Read. Vote. Comment.

Thank You! :)

Reyna ng HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon