Pie's POV"Class, before we continue our lesson, please meet your new classmate. Miss, please introduce yourself." Pagkasabi nya nun ay humarap na nga ako sa mga bago kong kakalase.
Pero syempre, para intense, tinitigan ko yung taong dahilan kung bakit nandito ako. Tulala pa rin sya.
"GoodMorning Guys! Penelope Idinna Evans here. I'm a transferee from Paris, France but I know how o speak tagalog since I was a born Filipino. I guess, alam nyo naman yun kasi mga kaklase naman ako dito nung high school eh. Right? One example is Mr. Anthon Christopher Evangelista at the back..."
Tumingin ako kay Ace na hindi na tulala pero mukhang di pa rin sya makapaniwala. Nginitian ko lang sya ng pagkatamis tamis bago magpatuloy magsalita.
"By the way, just call me Pie. Sana magkasundo tayong lahat. Thank you! :)"
Pagkatapos ko ay di ko na hinintay pang sabihin nung professor kung san ako dapat umupo.
Ako na ang nagdecide at syempre, dumeretso ako sa likod para tabihan si Ace.
Pagkaupo ko sa upuan katabi ng kanya ay inilapit ko pa lalo yung bangko ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin all that time.
Then inilapit ko yung bibig ko sa tenga nya, sabay bulong...
"Hindi mo ba ko iwewelcome? Honey?"
----------
ACE's POV
"Hindi mo ba ko iwewelcome? Honey?"
Napatulala nanaman ako sa kanya. Di pa rin ako makapaniwala.
Pe-ne-lo-pe.
Nagbalik sya.
Hindi ko akalaing makikita ko pa sya.Pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko dati. Antagal ko syang hinanap. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Kasi nung nawala sya, tyaka ko lang narealize kung gaano talaga sya kahalaga.
Parang tumigil sa pagtibok yung puso ko nung umalis sya. Pero heto, sa wakas, andito na sya.
Katabi ko pa sya ngayon at di ko pa rin alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.
Lalo na...
alam kong may mali.Bakit ganun?
Bakit ibang iba na sya?
Parang ibang tao na sya?Napakalayo na nya dun sa inosenteng batang nakilala ko.
Napakalayo na nya dun sa Chubs na bestfriend ko.
At mas lalong napakalayo na nya dun sa Penelope na mahal ko.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Hugot
RomanceAng puso ng tao ay parang Jigsaw Puzzle... Kahit ilang beses man mabasag o mabiyak biyak, maaari pa ring ito'y mabuo as long as nasayo lahat ng piraso. Pero kung wala, parang wala na ding silbi yung iba pang piraso. Dahil habang buhay mo nang marara...