Pie's POVPagpasok namin ng room ni Iya ay nandun na si Ace kahit maaga pa naman.
May bigla naman akong naisip. Nilapitan ko sya at niyayang maglakad lakad muna sa school grounds.
Halata ngang gulat na gulat sya pero pumayag naman.
Heto na kami ngayon. Naglalakad. 5 minutes na pero wala pa rin saming nagsasalita.
"Yung kahapon--"
Uumpisahan na nya sana ang pagsasalita pero pinutol ko na ang sasabihin nya.
Buo na ang plano ko.
"Chubs, kalimutan na natin ang lahat ng nangyari two years ago. Yung mga sinabi ko kahapon, kalimutan na din natin. Magsimula uli tayo ng bago." Sabi ko.
Yeah. Tinawag ko syang Chubs. Kasama sa plano ko yun. Nakapagdesisyon na ko.
"Talaga? Pinatatawad mo na ko? Pwede na uli kitang tawaging Chubs?" Tanong nya. Parang batang tuwang tuwa.
"Yes. You're forgiven. Ikaw na uli si Chubs ko at ako na ang Chubs mo. Pero in one condition."
Hays. Halos masuka ako sa sinabi ko. Ang sama talaga ng feeling na magpanggap kang okay lang when in fact, hindi talaga.
"Anong condition?"
"Bawal nang banggitin ang ano mang tungkol sa mga nangyari dati."
Ngumiti muna sya ng parang sobrang saya nya. Ganun ba kaimportante sa kanya na patawarin ko sya? Matapos lahat ng ginawa nya? Minsan di ko na sya maintindihan.
"Sure. Yun lang pala eh. Kayang kaya ko yun. Gagawin ko lahat mabalik ka lang sakin eh." Habang sinasabi nya yun, halatang sincere talaga sya.
And this time, ako naman ang nagulat.
Bigla nya kasi akong niyakap ng sobrang higpit at biglang may iba akong naramdaman.
Para bang bumilis ng 10x yung tibok ng puso ko...
Lalo na nang sinabi nyang...
"Sobrang namiss kita Chubs ko..."
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Hugot
DragosteAng puso ng tao ay parang Jigsaw Puzzle... Kahit ilang beses man mabasag o mabiyak biyak, maaari pa ring ito'y mabuo as long as nasayo lahat ng piraso. Pero kung wala, parang wala na ding silbi yung iba pang piraso. Dahil habang buhay mo nang marara...