Chapter 4: First Encounter

66 5 0
                                    


Ace's POV

Nung di ako umimik nung tinanong nya ko kanina, naghanap na lang sya ng ibang makakausap.

Andaldal na nya ngayon. Lalo na pag yung mga lalaking kaklase namin ang kausap nya. Tss.

Kaya lang naman di ko pa sya kinakausap ay dahil gusto kong pag nag usap na kami ay masasabi ko na sa kanya lahat lahat ng gusto kong sabihin. At dahil napakarami nun, di pwedeng ngayon ko sabihin sa oras ng klase.

Kaya pinakikinggan ko na lang sya habang may kausap na iba.

Sabihin na nya lahat ng gusto nyang sabihin sa kanila. Dahil mamaya...

Gusto ko, akin lang atensyon nya.

----------

Pie's POV

*Kring!!!!!*

Oops. Lunch break na pala.

Kaya pala masakit na sikmura ko. Kasi hindi din ako nagbreakfast kanina.

Hays. Kelangan ba talaga sa bawat break, may masasaktan?

XD hugot.

Di ko lang siguro namanlayan dahil medyo nagenjoy akong pagselosin si Ace. Alam kong nakikinig sya kaya mas lalo ko pang ginanahang makipagkwentohan sa mga classmate naming lalaki. Gusto ko lang magsuffer ang ego nya at ipakitang hindi na muling sa kanya lang iikot ang mundo ko.

I have my own whole life now.

Pero... Maya na uli ang kwento. Gutom na talaga ko. Tumayo na ko at aalis na sana papuntang cafeteria pero may humawak sa braso ko.

Napangiti ako. Umaayon lahat sa plano ko.

"Wait. Chubs, mag usap tayo." Saabi nya.

Ha. Ang kapal naman ng mukha nyang tawagin akong Chubs.

Chubs? Yan lang naman ang dating tawagan namin simula nung magbestfriend pa lang kami.

At matapos ang lahat ng kasalanan nya sakin, wala na syang karapatan pang tawagin akong ganun.

"Don't you dare call me chubs!" Sagot ko.

"Pero ikaw naman talaga yung Chubs ko di ba?"

Ha? Di ko sya maintindihan. Lalo akong nainis sa kanya. Dahil feeling ko, wala lang sa kanya yung mga nangyari dati.

Kung sa kanya ok, pwes, sakin hindi!

Hinila ko bigla yung braso ko mula sa pagkakahawak nya.

"Bitiwan mo na nga ako!" Hiyaw ko pero di nya ko pinakinggan. Kami na nga lang palang dalawa dito sa room at ngayon ko lang napansin.

Hinila na nya ko palabas at papunta sa likod na bahagi nitong school.

"Ace san mo ba ko dadalhin? Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko.

Tumingin lang sya sakin saglit at seryoso na sya.

"Chubs, mag uusap lang tayo. Ok?"

Then nagpatuloy na sya paglalakad habang hawak ang kamay ko.

Read. Vote. Comment.

Reyna ng HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon