(14) The Continuation. . .

261 8 1
                                    

Medo's POV

Nakita kong napataas ang kilay ni kuya Austin ng makita niya kami ni Dayling. Yes, kay kuya ako nakatingin dahil ramdam kong sa'kin naman nakatingin si koya Ryll.

Naknak! Paano at bakit mo kaibigan ang mga 'to? Ahuhuhu!

"Ehh, ahm, nice to meet you guys!" sabi ko na lang para hindi mahalatang awkward ang kaganapan.

"O-Oh yes, nice to meet you!" sabi din ni Dayling.

"Welcome and good evening!" we greeted them at the same time again.

"Please have a seat," yaya ni Dayling sa kanila.

"Yes, please do," I said then whispered. "Anytime now, Naknak."

"Ehh?" he pouts. "I want to hug you longer Mommy."

Pinaglakihan ko siya ng mata at ayun binitawan na rin niya ako sa wakas. "Ask lang, pinagkaguluhan sila ng mga babae, tapos ikaw Naknak hindi? Ibig bang sabihin nun hindi ka gwapo?"

"HAHAHA!" tawa ng malakas ni Dayling. "Oops, sarreh Siopao."

"Makatawa ka Gatang!" saad naman ni Naknak saka naupo. Nakaupo na rin kasi ang dalawa niyang kasama. "Hindi nila ako pinagkaguluhan kasi lalapitan palang nila ako sinabi ko ng lagot sila sa Mommy ko!"

"Ahh, edi pinagsigawan mo lang pala na Mommy's Boy ka? Ahh, I see," tango-tango si Dayling at natawa naman ako.

"GATANG NAKAKAILAN KA NA AH!"

"Nakakailan? Bilang mo? Wow, amazing!"

"AHAHAHA! Mga adik!" tawa ko sa kanila saka tumikhim. "Ahem, can I take your orders sirs?"

"Close sila ah," puna ni kuya Austin. Hindi ako sure kung kilala pa kami nitong si kuya kasi hindi na kami active dun sa group sa Facebook ng matagal na panahon na. Sa totoo niyan, 3 months lang talaga kami active dun at ganun ding katagal ang pagiging close namin with him dahil naging busy na agad kami.

And knowing kuya Austin, he easily forgets those who don't have any communication with him for a long time.

"Nang nagkakilanlan po kasi sila, nagbabangayan na kaya po ganyan," sagot ko naman sa tanong nito.

"Ah, I see. Thanks Mel," he smirked at me and I gulped.

That nickname. He knows me! He still knows me! And that means he knows Dayling and Mami! LAGOOOT!

"Ah-eh, w-welcome po," sagot ko ulit.

"Medo, table 3 ka muna," biglang may bumulong sa'kin na katrabaho namin ni Dayling.

"Sige, sige," I whispered back. Then turned to Dayling. "Uy, ikaw na muna dito, may bagong salta na naman."

"H-Ha? Iiwan mo ako dito Dayling? Baka mahimatay ako dito! Alam mo namang si ano ito eh!" she whispered back.

"Loka! Mangingisay ka lang hindi mahihimatay, kaya don't worry. Sige na, okay?" I told her then faced the three guys. "I'm sorry sirs but she will take your orders now. Enjoy the night."

"What? Mommy naman, bakit si Gatang pa? Ikaw na lang, si Gatang na lang ang sa iba," daing naman ni Naknak.

"Magtigil ka nga diyan Naknak," suway ko.

"Eh aawayin lang naman ako nito eh," he reasoned.

"Grabe ka oy!" saad ni Dayling. "Ikaw ang nangunguna diyan."

"Tama siya," I agree and wink to her. "Behave na Naknak."

"Okay po Mommy," he nods while pouting.

"Haha, don't look so rejected Paul," sabi bigla ni kuya Austin. "For sure namang aasikasuhin niya tayo eh. Right Agats?"

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon