(11) The Continuation . . .

268 10 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas ng tumira kami dito sa bahay-kubo ng pamilya ng papa ko.

Ang totoo niyan, 'yung lupain kasi dito sa probinsya ay pag-aari ng lola ko sa father's side. Since nag-iisang anak lang si papa, lahat ng lupain ay nasa pangalan niya. Ng makilala niya ang mama ay lumipat sila sa Amerika at pinagpatayuan itong lupain ng bahay na ito.

Bahay-kubo lang ito para sa papa ko kasi iba pa ang main house. Dahil patay na sila lolo't lola, pati na rin sila papa at mama, naiwan ito sa'kin. Ang nag-aalaga dito ay ang mga tiyuhin ko—mga pinsan ni papa, at second-cousins.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na mayaman ka, bata," sabi ni mami habang nakain ng agahan.

"Oo nga dayling! Bakit hindi mo naman sinabi?" tanong ni Agatha at saka sumubo ng kanin.

"Hindi naman talaga ako mayaman eh. Alam niyo naman na hindi ako lumaki with my real parents 'di ba? Nalaman ko lang lahat ng ito ng asikasuhin ko sila doon sa Amerika. I don't really give a thought about their money and properties because I can stand with my own feet, pero dahil nakapangalan pa rin sa'kin ang mga 'yun, might as well use it 'di ba?"

"Oh eh di wow!" sabi ni dayling.

"Ikaw na bata! Ikaw na talaga!" si mami.

"Sus, ano ba kayo? Pare-parehas lang tayo dito ano? At tsaka nga pala, maiba tayo, nakapaghanap na ba kayo ng trabaho?" Ito ang isa sa mga pinagka-abalahan namin ng maiayos namin 'yung mga gamit.

"Ayun nga eh, mukhang mahirap humanap ng trabaho dito," sagot ni mami.

"Naghanap din ako, kaso wala din," sagot nang isa.

"May nahanap ako, kaso hindi ko alam kung magugustuhan niyo."

"Ano?" tanong ni mami.

"Magbubukid."

"Oh, well, okay lang sa'kin," sabi naman ni dayling.

"Okay lang din sa'kin at least may income tayo," sabi naman ni mami.

"That settles it then!" ngiti ko. "Magbubukid tayo sa umaga."

Kumunot-noo sila. "Sa umaga?" tanong ni mami.

"May gabi ba?" tanong naman ni dayling.

Tumango ako. "Magbabar tayo sa gabi!"



Madaling lumipas ang ilang buwan at nakapag-adjust na kami kung paano mabuhay dito sa probinsya.

Katulad ng sinabi ko dati, tuwing umaga, bago pa sumikat ang araw ay nagtatrabaho na kami sa bukid. Nandoon kami hanggang 10 ng umaga. Tapos kakain kami ng tanghalian kasama 'yung mga trabahador at trabahadora, minsan nama'y uuwi kami sa kubo at dun kakain.

Kapag gabi naman ay nagtatrabaho kami sa bar. Si mami Rydel ay singer, kami ni dayling Agatha ang waitress. MInsan kapag gusto ng owner na si kuyang-ate Gorji ng may nasayaw habang nakanta si mami Rydel ay iyon naman ang trabaho ko. Parang nung high school lang.

"Dayling, table 4. I'll take table 6," bulong ni Agatha sa'kin.

"Okay," I replied.

Busy ngayong gabi dahil madaming mga balik-bayan na nandidito ngayon sa bar. Napatingin ako kay mami at nagkasalubong naman ang mga mata namin. Ngumiti ako, ngumiti din siya habang nakanta.

Buti naman at nakamove-on ka na kahit papano.

Ito ang kinatuwa ko naman sa mga nangyayari. Nagbago si mami simula ng dumating kami dito. Tinigil na niya ang paglalaro sa online games at nagsipag sa pagtatrabaho.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon