(9) The Continuation . . .

242 8 1
                                    

"Love between two people will always exist despite of any circumstances. And yet, it is up to them if they will let go in order to erase and forget that feeling they have for one another. If they are going to fight or give up. If it's still worth it or not. If . . . if . . ."


vvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvv


"Mami, you need to eat," sabi ko kay mami Rydel na naglalaro ngayon ng online game. 'Yung patayan at barilan na may saksakan pa tapos tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na riyan sa pwestu—

"I'm still full," she answered interrupting my concerto de utak only. "YAH! DIE! DIE! YAH! GANYAN NGA! MAMATAY KAYONG LAHAT! MGA WALANG KWENTA! DIE! DIE!" sigaw niya habang kung todo ang pagki-click sa keyboard ng laptop niya. May mga mura pa ngang kasama, kaso hindi ko na lang pinakinggan at iniwan ko na siya sa kwarto.


"Oh, kamusta?" bungad na tanong sa'kin ni dayling Agatha nang marating ko 'yung kitchen. Tinitikman niya 'yung niluluto niya.

Napabuntong-hininga ako. "Ayun, as usual," sabi ko sabay acting na kunyare nasa harapan ng laptop. "DIE! DIE! MGA ALA KWENTS! YOU! AND YOU AND YOU! YOU DIE! DIE! MAMATAY KAYO! BWUAHAHAHAHA!" halakhak ko sabay tingin kay dayling with a serious face. "Ganun siya," I shrugged.

"Hahaha!" napatawa din siya. "Putek ka dayling! Hindi naman natawa si babes pag ganun eh, nagmumura kaya. Ikaw lang naman ang natawa pag may namamatay eh."

"Grabe ka naman! Hindi kaya ako natawa, nagiggle lang. Pabebe kunyare."

"Sus!"

"Dalian mo na at para makakain na tayo. Hahatiran ko na lang si mami ng pagkain at as usual, susubuan habang naglalaro," sabi ko saka umupo sa may high-chair doon sa parang bar table.

"Subuan talaga? Wahaha. Oo na eto na, ready na ang oats. Wait ka lang ng mga payv minutes," binigyan diin niya talaga yang payv na 'yan.

"Aye sir!" sagot ko naman.

Mag-iisang buwan na ang nakalipas after we received that call from doc Ryll. Dadi Jaren was kidnapped by his own grandpa to stop the wedding that was going to happen that day. Lahat kami nagulat at hindi agad naka-react, pero ng mag-sink in sa'min ang balita, nagbago ang lahat.



"Ha-ha-ha, s-si Hon? Nakidnap?" she asked more to herself.

"Mami."

"Ate."

Napaupo siya bigla at agad naman kaming nasa gilid niya. Then she looked up with smiling, yet, her eyes are crying.

"H-Hindi totoo ang sinabi ni R-Ryll 'di ba? Nagbibiro lang siya 'di ba? 'Di ba! D-Darating si Hon! Darating si Jaren! M-Magpapakasal kami!" hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "MELODY! SABIHIN MO! SABIHIN MONG NAGSISINUNGALING LANG SI RYLL! SABIHIN MO SA'KING TULOY ANG KASAL NAMIN NG DADI MO! SABIHIN MO MELODY! P-Please, M-Melon," mami's voice broke at after nun, sunod-sunod na ang paghikbi niya. "D-Darating siya, Melon, 'di ba? Please naman Melon oh, papuntahin mo na dito si Hon. A-Alam kong nagbibiro lang si Ryll na 'yun. D-Dali na, male-late na tayo niyan."

"Ate Rydel, tama na 'yan," nahikbing sabi naman ni dayling.

"B-Bata," iyak ulit ni mami.

Nakatulala lang ako kay mami. Ni hindi man lang ako naiyak o kung anuman, dahil unlike her, I can't feel anything. Wala akong maramdaman, hindi ko alam ang dapat na maramdaman.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon