(4) The Continuation. . .

487 14 2
                                    

Medo's POV

"Naku dayling, parehas kayo ni mami na sawi sa pag-ibig."

[Alam mo dayling, nagmomove-on na rin ako ano? Tsaka hindi na muna ako maiinlove, sakit lang sa ulo!]

"Aba dapat lang ano? Nakakaloka ka kaya pag nagiging sawi!"

[Bwuahahaha! You were here naman kaya ayos na rin iyon.]

"Ayos? Anong ayos? Magbayad ka oy! Cakepops ko nasaan na? I looked out for you because of the prize afterwards, kaya gimme my cakepops!"

[Opo na po. Pagdating ko diyan okay?]

"DARATING SI GIRL?" sigaw ni mami pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto ng kwarto.

"Op—"

"KYAAAA! GIRL! NARINIG KO 'YUNG CAKEPOPS! RED VELVET 'YUNG AKIN HA? LAGYAN MO NA RIN NG SMILEY FACE!" sigaw ni mami after niya akong itulak para siya ang nasa harapan ng computer.

"Aray ko mami ah! Aray lang!" sabi ko naman. Buti na lang at nakaupo ako sa kama kaya natumba lang ako sa pagkakaupo ko.

"Next time kasi bata tumabi-tabi ka. Alam mo namang maguusap kami ni girl eh!"

"At ikaw pa talaga ang may ganang manumbat? Alangjo! Ako kasi 'yung sumugod sa kwarto ano? Ako kasi ang hindi kausap kanina pa. Ako talaga," sarkastiko kong sabi.

"Buti alam mo! Ikaw talaga! Bleh!" and she sticks her tongue out.

[Bwuahahahaha! Nakakaloka talaga kayong mag-mami! Hi ate Rydel! Pag umuwi ako diyan gala tayo ah?]

"Ay kayo lang? Ganun? Ako ang nag-introduce sa inyong dalawa tapos kayo lang ang mag-gagala? Unpeyr! We're not friends anymore!" daing ko and I acted as a kid for fun.

[Hahaha! Hindi naman ganun dayling, syempre kasama ka.]

"Bleh! Hindi ka daw kasama! BLEH! WAWA NAMAN SI BATA! AWWW! WAWA NAMAN! WAHAHAHA!" tuksong magaling ni mami.

"Naaawa ka ba talaga mami o tumatawa? Nakakabaliw 'yan!" I rolled my eyes at natawa na lang kaming tatlo.

"Anyway," sabi ni mami sabay flipped hair. "Kailan ka dadating dito girl?"

[Secret! Bwuahaha! Sinabi na naman sa akin ni dayling ang address niyo eh, so kakatok na lang ako.]

"Okay nga lang ba 'yun kay dadi, mami?" tanong ko kay mami.

Hinampas na naman ako ni mami. "Sus! Okay lang 'yun! Wala naman siya eh."

"So porke't wala siya mami, pwede na agad? Edi ako naman ang nalagot?" napailing ako sa kanya.

[Para daw hindi siya ang mapagsabihan, tapos tumatawa lang siya sa background.]

"Tama, tama! Taga-tawa lang ako," sabi ni mami.

"Sumbong kita!"

"Kanino?"

[Kay ano!]

"Sinong ano?" takang tanong ni mami.

"Kay Batman, 'wag kang mag-iisip ng kung anu-ano mami," sagot ko sa kanya.

[Haha, sino kaya ang inisip ni ate Rydel? Si ano ba 'yan ha? Si ano? Bwuahaha! Ay wait girls, next time na lang ulit tayo mag-usap. Magluluto pa ako. Ingat kayo diyan! Love you!]

"Ikaw din dayling! Mwuah!"

"Ingat girl!"

At inend ko na ang Skype call.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon