Epilogue

818 13 5
                                    

Ate Kham! Peram po ng characters niyo ne? Ahehehe!

Thank you po sa mga nagsubaybay nito! Enjoy the epi! ~~

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Medo's POV

"Kundi pa kinasal sina Maverick at Diane, hindi pa kayo magpapakasal ano?" tanong ko kay mami Rydel na ngayon ay taimtim na nakapikit.

"Tumpak ka diyan Dayling! Pero infairness ah, nakakakilig din ang love story ng dalawang 'yun!" sang-ayon sa'kin ni Dayling habang nakapikit din.

Si Diana Marie Salvacion Veasna-Diane Veasna, in short, na ngayon ay Diane Veasna Raiden-ay nakilala naming tatlo bago pa ang contest eklavu ng mga Rossel. May anak na siya na pangalan ay Jiro. Actually, ampon niya ito simula ng ipanganak si Jiro ng best friend niya. Namatay kasi iyong nanay at sa kanya binigay ang bata.

Anyway, nakilala naming tatlo ang mag-ina noon at ewan ko ba kung destiny or fate, pero 'yung asawa na ngayon ni Diane na si Maverick Raiden ay longtime partner na pala ni dadi Jaren at koya doc Ryll sa business nila! Kaya ayun, nung binyag ni Jiro tapos Engagement Party at pati na rin ang kasal nila eh invited kaming lima.

"Babes nakikinig ka ba?" biglang tanong ni Dayling Agatha kay mami R na tahimik pa din at hindi nakibo. "Huy babes!" Nakadilat na si Dayling at nakatingin kay mami.

Kahit ako ay nakatingin na din at napailing. "Naku Dayling, tulog na 'yan kaya ganyan 'yan."

"Walang hiyang 'yan!" napatawa na lang ang kausap ko. "Pumunta tayo dito para magpaganda and everything dahil mamaya na ang Engagement Party niya, tapos heto siya? Natutulog na lang? Walastik ka talaga babes!"

"Napuyat kasi kakakausap kay ginoong Jaren," I rolled my eyes. "Alam mo naman, simula ng manalo tayo dun sa contest ng mga Rossel, once upon a time not so long ago, eh approve na approve na ang pagmamahalan ng R and J couple."

She rolled her eyes too. "Oo nga eh. I'm happy for babes, you know. Ang dami nilang pinagdaanang kababalaghan at katangahan sa buhay, pero at least now, sila na talaga magpapakasal! SA WAKAS! THANK YOU!"

Tumingin ako sa mga kuko ko sa left hand kasi tapos ng gawin ni ate manikurista iyon at sa right naman siya now, bago ako bumaling kay Dayling.

"Astig din nga ano? Akala natin nasurpresa natin ang lahat, lalo na ang Katas-taasan, pero tayo pala ang nasurpresa."





"Sir Rossel," bungad ni mami while looking at the Katas-taasan. "I, Rydel Illian Chainey Cherry Irish, want to marry that motherfudging Jaren Miguel Rossel." Sabay turo kay dadi na laglag panga ang itsura. Pero hindi pa tapos si mami. Ngumisi ito kay dadi.

"You, son of a gun, still haven't return my heart. And so, you have to take the responsibility and marry me because d*mn it Rossel! I'm still in love with you!"

Napangiti ako ng palihim at what mami announced. Hay, salamat, nagpakatotoo ka din.

Mix reactions ang nakuha namin sa audience. 'Yung iba kinikilig, 'yung iba naguguluhan, 'yung iba nahiyaw pa, pero lahat ng 'yun ay ichapwera sa'min. Kung gusto nila gayahin nila kami wala kaming pake!

Anyway, biglang tumayo si Kataas-taasang Rossel na nagpatahimik sa buong madlang people. Lahat kami ay pinapanuod siyang pumunta sa stage. Kami nga ni Dayling ay napalapit kay mami ng di oras para shield ba.

Inabutan siya ng mic ng bagong emcee at tsaka laking-gulat naming tatlo ng ngumiti siya sa'min bago tumingin sa audience!

"Namamalik-mata lang ba ako o ngumiti sa'tin si Lolo niya?" naguguluhang-tanong ni mami.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon