(20) The Continuation . . .

217 7 0
                                    

Medo's POV

"So nagdate kayo ni doc Ryll, ganun ba yun mami?"

"HALA! ANONG DATE? Hindi naman date yun ah!"

"Oh eh di hindi. Bakit wagas kang makapagreact?"

"Makapagtanong ka kasi na nagdate kami grabe!"

Naputol ang pagsasagutan namin ni mami ng biglang tumawa si Dayling.

"Hahaha! Looks like someone is jealous, hmmm?"

Siniko-siko ko yung siko ni mami. "Uy mami! Nagseselos daw si dadi."

"Ay!" winasiwas ni mami yung braso niyang sinisiko ko. "Tigilan mo nga ako sa siko mo Melon! Tsaka anong si d-dudi mo ang nagseselos? Ikaw ang sinasabi ni babes!"

"Ha?" kunot-noo kong tanong. "Bakit ako? Ako ba ang may ex? Ikaw yun di ba?"

"Dayling kasi pwede mo namang tanungin kung nagheart-to-heart talk sila ni doc Ryll hindi date agad," paliwanag ni Dayling. "Date kasi agad ang word na ginamit mo kaya parang nagseselos ang dating mo, hihihi."

"Oo nga naman!" sang-ayon ni mami. "Pero HOY! Anong heart-to-heart talk ka diyan babes? Natakot nga ako tapos heart-to-heart pa? Grabe! Logic niyong dalawa ni Melon talaga kakaiba!"

"Ay sisihin mo na diyan si Dayling, babes," sagot niya. "Wala na ako diyan."

"Tokwa ka!" sabi ko naman at natawa na lang sila.

Nagaayos na kami ngayon dahil aalis na papasok na kami sa bar. Although medyo late na kami from the usual time na pumapasok kami, okay lang naman. Malakas naman kami kay Owner eh.

"Haha, tama na nga 'to. At least nasabi ko na sa inyo ang nangyari kanina kaya ako medyo natagalang bumalik," sabi ni mami Rydel.

"Okay babes, basta ba wala kang pagnanasa kay doc Ryll, okay na okay na si Dayling," tuksong magaling ng isa.

"Eh kung kutusan ko kaya yang dila mo at guntingin sa gitna ng magtigil ka Agatha, ha?" tanong ko naman.

"Sabi ko nga, jokes lang," bawi ni Dayling. "Nagbibiro lang naman Dayling. Alam naman nating lahat na tinalo mo pa ang pagong sa pagiging slow mo eh."

"Ha? Anong konek ng pagong?"

"Sira! Babes, hindi slow si Melon, dense siya, dense!"

"Oh edi kayo na nagkakaintindihan," sabi ko na lang.

"Jokes lang bata!" tawa ni mami. "Alam mo naman, hanggang tukso lang kami ni babes kasi―"

Naputol ang sasabihin ni mami Rydel ng may biglang nagding-dong.

"May bisita ba kayo?" takang tanong ni mami.

I smirked. "Baka si doc 'yan. Aayain ka ng makipagdate talaga," tukso ko habang papunta na sa pintuan.

"Tapos magseselos ka―ching! Jokes lang ulit Dayling," nagpeace sigan siya dahil tinignan ko siya with matching nakataas ang kilay.

"Buksan mo nga lang Melon ang pinto, haha. Kulit mo kasi ayan natutukso ka tuloy," komento ni mami.

"Nagjojoke lang din naman ako ah," depensa ko.

"Suus! Selos ya―jokes din ulit," nagpeace sign ulit si Dayling dahil liningon ko ulit siya with a poker face.

Pinaglalaban kasi na nagseselos ako eh wala nga akong maramdaman na kahit na ano. Aigoo, ano ba kasi mapapala ko sa ganyan? Sauce na masarap, mas pipiliin ko pang kumain kaysa mangunsumi sa mga eklavu na 'ya―

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon