(22) The Continuation . . .

219 7 0
                                    


Medo's POV

"Ano? Nakatulala pa rin ba kayo hanggang ngayon?" nakataas na kilay na tanong ni mami sa'min ni Dayling.

"Babes," lutang na sabi ni Dayling. "Ang... gwapo pala ni doc Ryll?"

"GAAAAAH! NEVEEER!" kinikilabutang sigaw bigla ni mami. "De jokes lang! Oo gwapo talaga yun! Matangkad pa. Ayun nga lang, nakakatakot... at seryoso... at tipid magsalita... at hindi nangiti... at demonyo... at nakakatakot."

"Sinabi mo ang nakakatakot ng dalawang beses babes."

"Eh sa nakakatakot siya babes eh! Anong magagawa ko? At tsaka, tama na nga yang pagkatulala niyo diyan! Eh ano ngayon kung nakita niyo na siya aber? May nangyari ba? Wala naman di ba? Nakita niyo lang siya, that's it!"

"Suuus! Taken na kasi ang puso mo kaya mo 'yan nasasabi, babes."

"Ako, Agatha, tigil-tigilan mo ah?"

"AWAY NYAMAN!" bigla akong napasigaw. Paano, bigla kasi akong kinurot ni mami sa pisngi. "Anong problema mo mi?"

"At ikaw naman bata, gumising ka na diyan sa pagkakatulala mo! Ano? Crush mo na ba yung demonyong 'yun kaya ka nagkakaganyan?"

Napapoker face ako bigla sa tanong niya. "Wow. Porket nakatulala, siya na agad ang iniisip? Grabe! Wala na ba akong karapatang maging tulala at maging lutang ang utak? At tsaka, nakikinig kaya ako sa usapan niyo ni Dayling kahit nakanganga ako dito."

"Ows? Palusot ka pa talaga Dayling! Napanganga ka pa nga at napatingala ng makita at mameet mo na si doc Ryll eh, tapos ayan ang sasabihin mo samin? Sus! Di na bebenta 'yan," pambabara sa'kin ni Dayling.

"Oo nga! And knowing you Melon, I saw the twinkle in your eyes ng makita mo siya," dagdag ni mami. "And that twinkle means that you saw his scary aura at dahil loves na loves mo ang mga scary things, nagtwinkle 'yang mga mata mo ng makita mo ang aura niya. Jusme bata, tigilan mo yan! Hingin mo na ang kahit na anong nakakatakot na bagay, wag lang ang makipaglaro ng Nanay, Tatay kay Ryll."

Pinakilala na kasi sa'min sa wakas ni dadi Jaren si koya Ryll nung gabing nakausap niya kami. At nakita na din namin ni Dayling ito ng walang kahit na anong takip sa mukha.

And okay, I'll admit, nanlaki nga ang mga mata ko. PERO hindi dahil sa gwapo o sa katangkaran niya, iyon ay dahil may nakita ako na suot niya sa—

"HUY! MELON! Tama na 'yan!" pag gising sa'kin ulit ni mami.

"Puyat kasi ako mi, sorry," I lightly bowed my head.

"Puyat? At bakit ka napuyat eh ang aga-aga na nga nating humiga kagabi?" tanong ni Dayling sabay brush ng teeth.

Nilagyan ko ng toothpaste ang basa kong toothbrush tapos binasa ulit ito sabay ginamit pangturo sa kay mami. "Ito kasing ano ni mami!"

"Anong ano ko?" gulat na tanong niya. "Wala akong ginagawang ano sa'yo Melon ah! Wag kang mang-ano diyan!"

"Hahaha eto na naman ulit tayo sa ano-han," tawa ni Dayling.

"Wagas lang maka-react mi?" ngisi ko. "Anyway, itong dalawang lalaki kasi kagabi! Ang ingaaaay! Lalo na si ex-jowawis mo, mami Rydel, matindi! May pasigaw-sigaw pang nalalaman, kaya ayun nagising ako. Tatakutin ko nga sana si Ginoong Rossel para makabawi kaso nakapasok na siya sa room niya, kaya kay koya Ryll na lang ako gumanti. Nag-ala Sunako Nakahara ako."

Tumawa ang dalawa habang nailing.

"Anong ginawa mo bata? Haha!" tanong ni mami.

I gave them a grin. "Binuksan ko ng dahan-dahan 'yung pinto ng kwarto tapos sinabing, 'Kekeke, good night Koya Ryll,'" pagkwento ko.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon