(23) The Continuation . . .

273 9 4
                                    

"Pakiulit nga ulit," nagpipigil na tanong ni Dayling. Nagpipigil kasi gusto na niyang umutot... de jokes lang, gusto na niyang sumigaw.

"At kapag inulit mo, pwede bang linawin mo maigi at yung tipong magegets ng utak namin?" dagdag naman ni mami.

Napabuntong-hininga si ginoong Rossel at nagsimula ulit magpaliwanag.

"Like I just said, ang unang competition na magaganap ay cooking. You three need to prepare a complete course—appetizers, main course, and dessert—under 1 hour. Plus, you also need to provide your own group's drink. After that, you must serve it to the judges—mixed of Rossel family members and some important people. Then you will get points from them, rating your foods and drink," he paused. "And when the foods get served, they will be unknown to the judges kung sinong group ang may gawa nito para iwas bias."

"Ay putek ina!" sigaw ni mami Rydel. "Anong klase 'yan? Gutom ba kayo? Sila? Kaya cooking ang pinakaunang contest? Walang hiyang yan!"

"Tapos ano? Nagpapakapagod kami habang sila sitting-pretty? Tapos wala kaming makakain after? Huwaw ah!" napahuffed naman si Dayling.

"After niyong magligalig kung saan, susulpot ka at sasabihan kami na magready sa unang contest? Tadyakan kaya kita diyan! Akala mo madali ang magprepare ng complete course under one hour!" daing ni mami.

"At ang gusto may drink pang kasama? Anong tingin nila sa'min? Professional chefs? Wow ah! Anong klase 'yan!" si Dayling naman ulit.

Bumuntong-hininga ulit si ginoo. "I know, and I understand your complains but that's what lolo decided. I'm sorry girls."

"Alam niyo kayong dalawa? Instead na umangal kayo diyan, mag-isip na kayo ng lulutuin," putol ko sa kanila kasi mukhang makikipag-away pa sila eh.

"Little Dancer is right," biglang sulpot ng isang boses mula sa likod ko kaya napaangat ang ulo ko at halos magkatabi na kami ng kapreng si koya Ryll. "The competition is about to begin and you still have not given the name of your group."

"Name? Kailangan pa ba nun?" takang tanong ni mami.

Nagnod ang dalawang lalaki.

"Paano ba yan girls, name daw," sabi ni Dayling sa'min.

"Saan po ba ibibigay ang name?" tanong ko.

"Just say it to us and we'll do the rest," sagot ni koya.

"Better hurry in thinking of your name," babala ni ginoo. "The emcee is calling everyone now."

Nagkatinginan kaming tatlo at iisa lang ang nasa isip namin para ipangalan sa'min.

"Trio," nakangising sabi ni mami. "That would be our name."




[And one hour on the clock starts... NOW!]

Sigaw ng emcee mula sa malaking TV na nandito sa kitchen. Lahat ng contestants ay nandidito ngayon sa malaking kitchen at may kanya-kanyang station para iprepare ang mga pagkain nila. Ang mga judges naman at mga audience ay nasa malay kung nasaan. Basta wala dito sa kusina.

Nang masabi ni emcee yun ay nagwala na sila dito sa malaking kitchen na ito.

And what I mean by that is, lahat ng contestants ay sige na sa pagawa ng mga foods nila habang kaming tatlo ay nakatanga lang sa kanila.

"Ano, tutunganga lang ba tayo sa kanila o matutulog na?" inaantok kong tanong saka naghikab.

Nakakuha ako ng palo kay mami at Dayling. "Tulog ka diyan!" sabi ni mami.

Si Doctor at Si DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon