RUNAWAY #3

142 7 1
                                    

C H A P T E R   T H R E E

Haemophobia

AGATHA

     Why am I feeling like this? What is happening to me?

     Iyan ang mga unang tanong na pumasok sa isip ko.

     Kasi naman...

     Una, bakit ba ang sama makatingin ng ibang mga students sa'kin?

     Pangalawa, may sumusunod ba sa'kin?

     Pangatlo, bakit ganoon si Daddy noong isang araw?

     Cheerful na naman ulit siya ngayon. Siguro ay nakalimutan niya na yung mga nangyari.

     Hayyss. Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Nakakaiyak pero wala ng mga luha ang nagbabadya dahil sa naubos na ito at kusa na lamang sumuko.

     Kailangan ko rin bang sumuko at takbuhan na lang ang lahat?

     Papunta na ako ngayon sa klase namin. Second day of school na kaya hindi ko na talaga dapat palagpasin ang isang araw pa na hindi ako makakapasok dito. Ayoko man sabihin, mahirap man ikaila ay nagcutting ako sa first day which turned out na hindi naman maganda.

     Nalulunod ako sa mga iniisip ko kaya hindi ko napansin na space out pala ako all the way habang naglalakad patungo sa magara naming classroom.

     I looked up and saw the sign that this is really our classroom.

Class 10-Amethyst (first section)

     "Good morning, Bessy!" Bati sa akin ng energetic na si Shannon pagkarating ko sa room.

     Nakaupo na siya sa assigned seat niya. Napataas na lang ang kilay ko sa nasaksihan ko. Siguro ay doon ako sa tabi niya dahil may nakalagay na note, 'You're dead. I'm gonna kill you kapag umupo ka dito. RESERVED!'

     Iniisip ko tuloy minsan kung bakit hindi 'to nakalaban kay Jessica eh. Kayang-kaya niya namang hambalusin ang babaeng iyon.

     Hindi lang siguro siya prepared noong time na yun. Tinanggal ko iyong note. Ipinatong ko na ang bag ko at umupo ako doon sa reserved seat. Himala ata! Gumana ang logic ko ngayon?

     Wait, wala naman siguro talagang umupo dito kahapon? Second day na kasi eh. Maliban na lang kung may mga pabebeng V.I.P. na hindi pumasok kahapon. Marami pa namang vacant seat. Doon na lang sila. Nauna na ako dito eh. Hindi naman ito nasa kalikuran, bandang gitna. Kitang-kita talaga dito sa pwesto namin ang unahan ng klase.

     Ang mga nangyayari talaga sa'yo kung minsan ay hindi natin ineexpect. Connection? Wala lang.

     "Good morning din." Bati ko pabalik sa kanya habang pilit na ipinakita ang peke kong ngiti.

     I... I'm just too tired. Hindi ko alam kung saan ako napagod.

     "Eh? Bakit parang hindi naman good ang morning mo?"

     Hindi na lang ako nagsalita. I just shrugged my shoulders. Ayokong magkaroon kami ng arguement kaya hindi ko na siya pinansin pa. Harsh ba? Ang pakiramdam ko kasi, parang pagod na pagod pa rin ako kahit wala naman akong ginawa na magpapabilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako tumakbo. So, what's this?

    D*mn! Baliw na ako!

     Kinakabahan ba ako? Parang sobra naman yata.

     Hindi ako mahilig uminom ng kape pero bakit napakanerbiyosa ko ngayon?

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon