RUNAWAY #16

58 1 2
                                    

C H A P T E R S I X T E E N

Confession

AGATHA

     Nakakaiyak pa rin hanggang ngayon.

     I sighed in frustration. I groaned many times.

     That's all I can do. What else?

     Pakiramdam ko kasi masyado akong pahirap kay Aidan. Bakit ba hindi ko maprotektahan ang sarili ko?

     Gusto kong protektahan ang iba pero mismong sarili ko hindi ko kaya.

     D*mn!

     I am a burden.

     Makalipas ang unang pakikipagsagupaan ko sa mga bampira, nagkaroon pa ng sunod na sinundan pa ng isa. Sa lahat ng iyon, puro si Aidan lang ang gumagawa ng galaw para maglaho ang mga kalaban. Ni isa wala akong napaglaho.
     Nagtraining naman ako, hindi ba?

     Para saan pa kung wala naman pala akong kwenta. Crap.

     I am sooo screwed.

     "I'll protect you, Agatha." Mga katagang sinabi ni Aidan na walang ginawa kung di mag-play sa utak ko.

     Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis eh.

     Simula pa kanina ay hindi ako lumalabas ng kwarto. I just stayed there the moment I woke up and I haven't seen anyone yet.

     My stomach growled. Gosh! I need food. Pretty much. I want it! I'm craving for it.

     Wala man lang bang kakatok sa kwarto ko para bigyan ako ng pagkain? Jusko!

     Muntik ko nang makalimutan na wala pala kaming servers dito sa mansion. And Dad, he's probably busy right now.

     Endure.

     Tama. Iyan na lang ang gagawin ko.

     'Tamad mo kasi. Nag-iinarte pa, akala mo naman ikinaganda niya iyan.'

     Sino nagsabing nag-iinarte ako? Grr!

     Lumipas ang oras at para bang nakalimutan ko na ang naramdaman kong gutom kanina. Ganoon siguro talaga, ano?

     Minsan, sa sobrang tagal na ng sakit nagkukusa at pinipili na lang ng katawan mo na kalimutan iyon.

     No way I am forgetting about my food.

     Sa totoo lang, I'm super bored. No joke!

     I noticed the chaos inside my room.

     It's full of mess. Kailan ba ako huling naglinis? Hmm. Hindi ko na maalala.

     Maglinis kaya ako? What do you think?

     1 second.

     2 seconds.

     3 seconds.

     Oh-kay? I'll take that as a 'yes'. Silence means 'yes', right?

     'Baliw.'

     Hindi ka pala na-inform brainy. Matagal na akong baliw. Hindi na nga ako tinanggap ng mga mental eh sa sobrang kabaliwan ko.

     Hayyss.

     Alright! Let's start cleaning! Where do I start?

     Ah! Iyong bed ko muna. Pinalitan ko ito ng bagong bed sheet na as usual ay shade ng violet ang color. Hihi. Syempre, pinalitan ko rin iyong mga punda ng unan ko. Inayos ko rin ang wrinkled na parte ng bed sheet. Ayos!

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon