RUNAWAY #8

110 5 3
                                    

C H A P T E R   E I G H T

Transferees

AGATHA

     Back to school na naman ako. Ewan ko ba kung bakit nahawaan na ako ni Shannon ng sakit na tinatawag na 'KATAM'. Alam ninyo iyon? Katamaran!

     Naglalakad ako sa hallway ng pipikit-pikit pa. Hindi ko tuloy magawang manaway ng mga pasaway na estudyante!

     Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng room namin. Sana hindi masyadong terror ang teacher na bumungad sa boring kong umaga.

     Nga pala, it's been 2 days and bukas na ang nakatakdang uwi ni Dad. Meaning, aalis na si Aidan sa bahay. Kaiyak!

     "Good morning, Bessy! Kamusta kayo ni Aidan? Ayyyiiieee! Kenekeleg ako!" She greeted me while giggling.

     Ipinatong ko na ang bag ko sa seat ko na katabi ng kay Shannon.

     "Morning. Bakit ka naman kikiligin ha? Ikaw ba iyong nakasama sa iisang bubong ang crush? Naku!"

     Nanatili pa rin akong nakatayo. Pumamewang ako sa harapan niya habang nakalook up siya sa akin. Basta, poker face lang ako. Mahirap na.

     Nagtaas siya ng kilay sa akin. Doon ako kinabahan. Luh? Baka may alam siya sa mga nangyari.

     "Masama ba kung kiligin ako sa inyo ni Aidan? Balita ko nga pinuyat mo siya eh. Huwag ka na maging wild mamaya, Bessy. Kawawa sa'yo si Aidan. Ganyan ka ba kapag wala si Tito Caleb? Sinasamantala ang pagkakataon? Magpaka-good girl ka naman. Kaunting demure rin kapag may time. Tsk. Tsk."

     Ewan ko ha? Pero iyong way ng pagkakasabi niya ng word na 'pinuyat' eh parang may ibang meaning... May pagka-green. At, ang OA niya magreact. May nalalaman pang pahawak-hawak sa dibdib and as if naman may nangyaring kababalaghan 'no!

     The friggin' question is...

     How the HELL did she know about it?

     Did Aidan tell her?

     Para maliwanagan na kayo, ikekwento ko na. Baka kasi iba ang isipin ninyo. Ayokong maging madumi ang isip ng bawat isa dito. Okay?

☆Flashback☆

     Nanlaki ang mata ko! Hindi kaya...

     May multo? Halimaw sa banga? Monster?

     Napatili ako ng super duper lakas at dali-daling bumangon. Bumaba ako ng hagdan para gisingin ang prinsipe ninyong si Aidan.

      Wow. Ang lakas na ng sigaw ko walang epekto sa kanya. Ang himbing matulog eh! Come to think of it, paano niya ako maipagtatanggol sa mga bad creatures na maaring pumasok sa mansion?

     Gosh! Pero in fairness, mukha siyang anghel habang peaceful na natutulog. Ang sarap niyang pagmasdan.

     Ayy! Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang reason kung bakit ko nga pala bubulabugin ang tulog ng isang ito.

     "Psst. Aidan!"

     Yinugyog ko siya ng kaunti. Ayaw magising! Hmp! Tulog mantika!

     "Aidan!!!"

     This time, naging marahas na ang pagyugyog at pagtapik ko sa kanya. Ayaw pa rin!

     "Prince Aidan Gregory Devonshire!!!"

     Bigla siyang bumangon ng may napakalapad na ngiti sa kanyang labi. I faced him with the confused look on my face.

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon