RUNAWAY #22

34 2 4
                                    

C H A P T E R   T W E N T Y   T W O

Fiancé

IÑIGO

     Easy lang mga girls! Don't let your panties drop on the floor.

     Kidding!

     Okay. Here I am again. Crush na crush talaga ako ng author nitong story na 'to!

     Haist! Ang hirap maging gwapo!

     Nakukuha ko pang magbiro eh mas malamig pa sa yelo ng North Pole ang trato sa akin ni Daphne babes.

     I wonder why.

     Paulit-ulit kong inisip kung may nagawa ba akong mali para magkaganito siya. Halos ma-drain ang utak na minsan ko na nga lang ginagamit, hindi pa nag-function ng tama.

     Wala. Wala akong ma-figure out na kasalanan ko.

     What if I use my powers? Should I really read what's going on in her mind?

     No!

     Napailing na lamang ako sa naiisip na gawin. Sige, Iñigo! Kaya mo pa mag-isip ng ibang paraan para malaman ang problema ni Daphne babes.

     It's not as if mamamatay ako kung gagamitin ko ang utak ko lalo na kung para naman sa kapakanan ng babaeng tumangay sa puso ko.

     "Iñigo, would you please stop pacing back and forth here in my godd*mn room?" Malamig na sambit sa akin ng bestfriend kong mas malamig pa sa pakikitungo at kilos ni Daphne babes.

     Napatigil ako sa pagpapabalik-balik. Hindi ko namalayan na iyon pala ang ginawa ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang kwarto.

     Nagpalinga-linga ako sa paligid ko.

     Maayos ang mga gamit sa loob. Malinis ang pagkakaayos at pagkakatupi ng mga blanket, bedsheet, at mga unan niya. Nakakamangha!

     Napakalayo ng hitsura ng kwarto niya sa akin. Kabaliktaran ang akin sapagkat nagkalat ang mga gamit. Idagdag pa na palagi akong tinatamad kapag ganoong bagay ang pinag-uusapan.

     Bumaling ako sa kanya makalipas ang ilang segundo.

     "I have a problem." Mahinang sabi ko.

     Alam kong may hint na siya ng mga nangyayari sa akin. He can always read my mind anytime he wants. Ito ang isang bagay na hindi ko kayang magawa kay Daphne babes.

     "Obviously. I guess, it is all about my little sister."

     You got it right, bro. Nice one!

     "Why don't you stop flirting with other girls?"

     Hindi pa ako nakakatugon sa kanya ay agad niya na itong sinundan ng isa pang tanong.

     I don't get it. Really!

     I'm confused, too. Am I doing the right thing?

     "No! I want her to get jealous. Tinitignan ko ang reactions niya. Maraming beses ko nang naipakita sa kanya kung ano ba talaga siya para sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ako sa kanya." Sagot ko.

     Ang bigat sa pakiramdam ng ganito. Parang nag-iinit ang gilid ng mga mata ko.

     For heaven's sake, I am a guy. I shouldn't cry.

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon