RUNAWAY #2

203 6 1
                                    

C H A P T E R   T W O

Agatha Franz

AGATHA

     Idinilat ko na ang mga mata ko pero medyo blurred pa rin ang nakikita ko kaya hinayaan ko na lang itong mag-adjust sa liwanag.

     White? Oh my! Don't tell me nasa heaven na ako? Is this for real?

     "Buti naman at gising ka na."

     Luh? Boses ng lalaki. Who's that? San Pedro, is that you?

     Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Oh my gosh! Hotness overload! May gwapong nilalang na nakaupo sa chair malapit sa bed ng clinic.

     Oo, school clinic 'to. Masyado lang akong assumera na sa kaunting hilo lang ay deads na agad ako. Hindi eh, kinikilig talaga ako ngayon!

     Bakit? Masama?

     "Kyaaahhh! Prince Aidan?"

     Hindi ako makapaniwala at shock pa rin. Impit na ang tili ko. Grabe! Ang bait naman ni Lord para bigyan ako ng ganitong pagkakataon.

     Wait nga. Is this a dream? I pulled my hair, pinched my cheeks and hit my head several times.

     Gahd. Totoo ito! Nasa realidad nga ako! Narinig ko naman ang pagchuckle niya. Juice colored! I find it sexy.

Tama na nga! Baka maging manyak na ako. Naku, huwag naman sana!

     Bakit ba siya ang nandito? Ang alam ko... Si Shannon ang kasama ko bago ako mawalan ng malay.

     Don't get me wrong, hindi sa ayaw kong nandito siya. Choosy pa ba ako? Isang Aidan Gregory Devonshire iyan oh! Minsan lang ito sa buhay ko, mag-enjoy na! Yay!

     Ang masama, baka hindi ko na ulit siya makasama ng ganito... Yung tipong malapitan ba? Hehe. Gwapo eh! Super!

     "Hey, bakit ka tulala diyan? May masakit ba sa'yo or something? Tell me."

     Ihh. Ang sweet naman niya! Boyfriend material ang dating eh. Hihi.

     "W-wala. Siya nga pala, nasaan si Shannon? Yung magandang babaeng kasama ko bago ako dalhin dito."

     Pagkasabi ko noon ay ang saktong pagbukas ng pinto. Pumasok si Shannon na may dalang pagkain. Sakto! Gutom na ako! Sana kasing sarap ng mga pagkain na iyan ang luto ni Daddy para hindi ako mawalan ng gana.

     "Are you okay na ba? Here oh, nagdala ako ng maraming foods kasi hindi ko rin alam ang gusto mo."

     Okay lang. Kahit ano basta masarap, kinakain ko tulad noong isa diyan. Rawr!

     "I have to go, Ladies. Nice to meet you!" Pagpapaalam ni Prince Aidan.

     Bago pa man siya lumabas ng clinic, tinawag ko siya.

     "Prince Aidan! T-thank you nga pala."

     Yah! Nakakahiya! Feeling ko ang pula ng pisngi ko. Nag-akyatan talaga ang dugo sa mukha ko. Waaahhh! Sinabi ko yun kahit na hindi ko naman talaga alam ang agenda niya... Kung may naitulong nga ba siya sa'kin. Tulog ako. Paano ko malalaman?

     Pilosopa talaga ako forever! HAHAHA.

     Nakita ko ang pagngiti niya. Jusko! Nakakalaglag panty. Matapos iyon, lumabas na siya.

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon