RUNAWAY #5

114 6 0
                                    

C H A P T E R   F I V E

Soon

AGATHA

     "Be-be-be-be-be-bessy!"

     Kinakanta ko iyan gamit ang tono ng theme song ng Minions na 'Banana'.

     This is it! This is really is it, is it.

     "Oh? Ganda ng mood ah. Anyare?" Ani Shannon na basta na lang saksak ng mga gamit niya sa bag.
     Tsk. Tsk. Ganyan tayo eh. HAHAHA.

     You know what? Uwian na namin. Yes! Early dismissal, in particular because the teachers are going to have a seminar. I don't know kung about saan. At ngayon ko napagpasyahan na makipagbonding sa lokang bestfriend ko. Alam ninyo na, gusto kong bumawi. Sabaw ako noong mga nakaraang araw eh.

     Hinayaan ko na lang ang mga tanong na iyon na lumipad sa isip ko. Saka ko na lang haharapin ang lahat kapag ready na ako.

     I don't want to runaway anymore if trials are hitting on me. Maybe, accepting the fact that destiny is cruel to me has to do with this.

     "Ah. Eh. Tara na nga!"

     Hinigit ko na siya palabas ng room namin.

     Wait...

     Ampotek! Ngayong ko lang napansin.

     Hindi ko pa nakikita si pareng Aidan ah. Absent? Luh! May sakit kaya siya?

     "Oh. Bakit ganyan mukha mo babaita? Kanina napakahyper mo tapos ngayon tinalo mo pa ang papel na nilukot ng sampung kabayo! Sige ka. Ang busangot, P-A-N-G-E-T as in panget! HAHAHA."

     Ano kaya nakakatawa doon? Nakakainis nga eh kaya pinilit kong ngumiti, iyong ngiting abot tenga at labas lahat ng ngipin ko. Aysows! Teka nga, nanglalamukos ba ng papel ang kabayo? At, kailan pa ha? Hindi yata ako nainform.

     Nahiya naman akong sabihin sa kanya kung ano ang iniisip ko. O mas mabuting sabihin... SINO ang iniisip ko.

     "Si ano... Si Aidan kasi. Na--"

     Paputul-putol ang bawat salita. Nakakakaba kasi dahil baka bigla niya na lang akong sipain. Siya ang kasama ko tapos iba naman ang laman ng puso este isip ko. Hehe. Ayan pa, pinutol na ang sasabihin ko. Jusko!

     "Nakita ko ba si Aidan? Hah! Hindi 'no! Baka patay na iyon... Patay na patay sa'yo."

     Enedew? Nakakaloka ang Shannon na 'to. Ang mood niya pabago-bago. Dala ba 'to ng may PMS? Kabaligtaran yata epekto sa kanya. Diba dapat nagsusungit?

     Umiling-iling na lang ako sa kalokohan. Walang magagawa, umilaw na lang bigla ang bombilya.

     "Eh? Hala! Ano iyang nasa puwetan mo?"

     Ma-testing lang kung mayroon talaga siya ngayon. Ang mean ko!

     Luminga-linga siya sa likod. Gotcha!

     "Saan?! Takpan mo. Bilis!"

     So, meron nga? Napahagalpak na lang ako ng tawa. Ganyanan pala gusto mo ah.

     "Haist! Stop na nga. Halika na at ako na ang magtatanong."

     Yah! I more like it. Salamat naman. As in G-r-r-r-r. Grrrr. Agatha, baliw ka na.

     Sakto namang nakita namin si Calvin, isa sa mga feeling namin eh tropa niya.

     "Yo, Calvs! Nasaan si Aidan?"

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon