RUNAWAY #20

41 3 2
                                    

C H A P T E R T W E N T Y

Awakening

AGATHA

     "Milady, it's time for you to wake up from your long slumber."

     Bakit ko ba palaging naririnig iyan sa isip ko? Paulit-ulit talaga dapat?

     'Ulit lang. Paulit-ulit? Aba, iba na iyon!'

     Shut up or else...

     'Alright. Nakakatakot ka na ah!'

     I slowly opened my eyes and found no one in my room.

     Ano bang nangyari nitong nakaraan?

     Oh. Yes, if I remembered correctly... I slept for a very long time.

     How could I be so late and reckless with regards to my actions? After all these years, I still know what I want to do. It doesn't change, though.

     I want vengeance.

     But first of all, I would like to satisfy myself with something because I'm so thirsty.

●●●

AIDAN

     Dito ako sa VH Headquarters namalagi sa loob ng tatlong araw. Iyon ang inutos sa akin at wala akong magawa kung hindi sundin ang inutos ng superior sa akin. Nais ni Dad na madagdagan ang training ko dahil nabalitaan niya ang naging kalagayan ko noong sumugod ang mga bampira.

     Sugatan ako noon. Sobra akong nagpabaya at nagpadala sa emosyon noong mga pagkakataong iyon.

     At dahil doon, na-disappoint si Dad sa akin.

     A part of me ay sumasang-ayon na tama lang ang naramdaman ni Dad. Why? Because I know, ayaw niya lang akong masaktan at mapaslang ng mga bampira.

     Alam ko naman na mahirap ang training ngunit 100% akong sigurado na hindi ako mamatay dito. Masusugatan, oo pero walang maglalaway na bampira sa dugo ko.

     Hindi rin maiiwasan na may parte sa akin na nalulungkot at nagsisisi. Imbes na alagaan ko si Agatha, heto ako at parang walang pakialam sa condition niya ngayon.

     Bang!

     Putok iyon ng Sacré Rosé. Sa isang tira, umikot ang bala sa kabuuan ng malaking training room. Na-master ko na ang ginawa kong technique na hindi ako sigurado noon.

     Through this, I let out all of my frustrations. Sa bagay, mabuti na rin naman ang may mapagbuntunan kaysa mabaliw ako. Baliw na nga sa pagmamahal kay Agatha eh...

     It's enough!

     Nakarinig ako ng palakpak sa hindi kalayuan. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog at nalamang si Dad pala iyon.

     "Good job, Aidan." He said as he praised me.

     Naramdaman ko naman na proud siya sa akin bilang anak niya at hindi bilang isang Huntsman.

     "Thanks, Dad." Pagpapasalamat ko naman sa kanya.

     "How is she?" He asked afterwards.

     Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, walang iba kung hindi ang kakambal kong si Shannon.

     Kailan kaya nila maaayos ang issue nila sa isa't isa?

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon