RUNAWAY #18

30 1 3
                                    

C H A P T E R E I G H T E E N

Vampires

IÑIGO

     Yo! Akalain ninyong may point of view pala ako sa story na 'to! Naks! Crush talaga ako ni Ms. Author. HAHAHA. Ayyyiiiee naman oh!

     Ang totoo niyan kasi...

     Ako talaga ang ka-love square nila Agatha, Zach, at Aidan. Joke! Loyal yata 'to!

     Nandito kami ulit sa Halle Mansion kasi nga... Malamang bumalik kami.

     Hindi ba obvious? Tsk!

     Ewan ko pero parang may topak ang bestfriend kong si Zachary na pangiti-ngiti sa pinto. Hala! Nasapian na siguro ng masamang elemento. Ayaw pa kumatok eh nangangalay na ako.

     Ang mga pogi hindi dapat pinapahirapan. *pogi pose*

     Nagfake na nga lang ako ng pagkagulat eh para naman may karamay si Daphne Babes.

     Truth is, may pakialam naman ako sa nangyayari sa loob kaso hyper lang talaga ako kapag katabi ko ang nag-iisang babae sa mundo na nagbibigay sa akin ng kaligayahan sa araw-araw na kasama ko siya.

     Wooo! Way to go fafa Iñigo!

     *knocks on the door*

     At last! Gusto kong magpa-party at i-special mention 'tong si Gavin.

     Si Gavin na ang kumatok. Pareho talaga kaming cool nito pero iyon nga lang mas gwapo pa rin ako.

     Gets?

     Akala ko talaga makakapasok na kami. Nakakalungkot naman at parang di na kami welcome dito.

     Sige... Aalis na lang kami...

    Ayos 'to ah!

    Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Here we are. Nakatayo pa rin sa labas. Walang nilalang sa loob na nag-effort para pagbuksan agad kami ng double doors.

      "Bakit kaya ayaw nila tayo papasukin sa loob?" Nagtatakang tanong ko na lang.

      Binatukan ako ni Daphne Babes at napalingon sa kinaroroonan ko si Zach saka sinamaan ako ng tingin. Hanep!

      May nasabi ba akong mali?

      "Wala. Ang stupid mo lang kasi, Kuya Iñigo." Dinig kong sagot ni Gavin.

     Did I just say it out loud?

     Stupid ko talaga! Oo nga pala dahil kahit papaano ay naba--

     Sandali nga! Anong kalokohan iyon? KUYA Iñigo?

     "Hoy! Anong KUYA Iñigo?!"

     Napataas ang isang sulok ng labi ni Gavin. Nakaharap na ako sa kanya ngayon.

     Nanlilisik ang mga mata ko siyang tinignan. Hanep! Hindi man lang natinag ang bruho!

The Runaway Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon