CHAPTER 16 STRAWBERRIES OR BANANA

22 0 0
                                    

“Siguro nga tama ka. Pero kahit fiancé kita wala kang karapatang pakialaman ang personal life ko” galit na sabi nya din.

Halos lahat nang kumakain sa caffe ai nakatingin na sa kanila. Makikita kay Stephen ang pagkainis

“Bahala ka na nga” sabi nya “its hard to please a monkey that strawberries are sweeter than bananas” halos pabulong na nyang sabi pero rinig pa rin nang dalaga. Sabay alis sa lugar.

“Anung sinabi mo? At sinung monkey ang tinutukoy mo? Bumalik ka dito” sabi nya pero umalis na ang lalaki.

Hanggang sa pag uwi ni allysa iniisip pa din nya ang nangyari kanina. Naikwento na din nya kay Dianne ang nangyari

FLASHBACK

“Bessy bakit ba ang mean mo kay Stephen. To think na tama talaga sya. Mas inuna mo pa si josh nay un”

“E kanino ka ba kampi? Napapansin ko parang mas best friend mo pa yung unggoy na yun kesa sakin eh hmpf”

“Hindi sa ganun bessy pero tama kasi sya. Kahit na hindi nyo gusto ang sitwasyon nyo ngaun pareho lang kayong walang magagawa. Ikakasal na kayo at pangit tignan na nakikipag meet ka nang ganun nang hindi nya alam tapos pinag tanggol mo pa si josh. Ikaw ba anung mararamdaman mo kung may kasamang iba si Stephen?”

Nag isip saglit ang dalaga “wala akong pake sa kanya. He can do what ever he wants to.”

“Sigurado ka bessy? Baka kainin mo ang sinasabi mo”

“Yeah right bessy. Tsk nakakainis talaga”

“Diba dapat sya ang mainis? Mag sorry ka nalang”

END OF FLASHBACK

Kanina pa paulit ulit nang nagrerewind saken ang sinabi ni bessy. Tsk bakit pa kasi kailangang mag sorry eh. Tsaka nasan ba yung unggoy na yun? Uwaaaa ayaw akong patulugin ng konsensya ko. Matawagan na nga

*calling unggoy* yah unggoy ang pinangalan ko sa kanya haha nakakainis kasi eh

First ring

Second

Fifth

Abat ang tagal sagutin ah. Pag ito-

“Hello”

“Ay tokwa. Tsk bakit ka ba nanggugulat buset”

“Sino ka ba tsk istorbo”

“Abat hoi mister nasan ka ba? Antaray mo ah”

“Yeah right. Anung kailangan mo?”

“ah-eh”

“Kung wala ka namang sasabihin ibababa *hey babe sinu ba yang kausap mo?*”

“Hep. Sinu yun? Nasan ka ba ha?”

“At bakit. Tsk nandito ako sa bar ni cedric. Bakit ba?”

“Basta wag kang aalis jan. Wait for me or else you die” pagkasabi nun ay binaba na nya ang telepono. Nag palit sya nang damit at umalis na

Nag taxi lang sya papuntang bar dahil hindi pa nya nakukuha ang kotse nya. tama na din siguro na pumunta ako dun para marelax ako. Masyado na akong naiistress sa mga nangyayari.

She wore a tank top dress and short shorts. Masyadong mainit ngayon dahil summer na at tinatamad syang mag ayos kaya ayun na lang.

AT THE BAR

ALLYSA’S POV

Pagkapasok ko palang sa bar nakita ko na kaagad ang uggoy na yun na nakikipag halikan sa isang babae na nakapulupot sa kanya. At meron pang babae na naka yakap din sa kanila. Seing them make me so angry. Abat mukha naman palang uk ang unggoy na yun e. buset at talagang naisip ko pang magsorry sa kanya.

RecoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon