CHAPTER 2: THE PAST

29 0 0
                                    

“wala ka ng ginawang tama. Mabuti pa lumayas ka na dito. Mabuti pa ang dalawa mong kapatid. Hindi ka kailangan dito. Pabigat ka lang” sabay sampal sa akin

“sige aalis ako. Wala naman kayong ibang kilalang anak kung hindi si kuya lang at si angelo. Lagi nalang ako ang masama, ako nalang ang lagi ninyong sinisisi kahit wala naman akong kasalanan. Sana hindi ko nalang kayo tunay na papa” sabi ko sabay sampal ulit niya sakin

“wala kang utang na loob. Lumayas ka dito. Wag ka ng magpapakita pa samin walang kwenta”

Siguro nga mas makakabuti pa na umalis na lang ako dito. Mahal ko sila pero siguro nga hindi nila ako kailangan dahil babae nga pala ako at walang kwenta.

Napagdesisyonan ni allysa na umalis na.

Kung saan-saan sya pumunta at hindi na niya alam kung saan siya nakarating. Malapit nang maubos ang pera niya at gutom na din siya, habang nag iisip kung anu ang kanyang gagawin nakita niya ang isang pangyayari na nagpabago ng buhay nya.

Nakita nya ang isang babae na sa tingin nya ay mid 50s na at 2 lalaki na mukhang hinaharas ang ginang

“hoy bitawan nyo sya” sabay lapit nya sa dalawa

“hoy miss wag kang mangialam dito”

“hoy ka din pag hindi nyo sya binitawan tatamaan kayo sa akin” aba at mga holdapper na ito ke papangit naman

“aba pare matapang itong babaeng ito ah tsaka maganda din”

“abat mga manyak.” Sabay sinuntok nya yung lalaking papalapit sa kanya. Pagkatumba nung isa lumapit naman ung isang holdaper at nag amba ng patalim, pag kasuntok nya sa lalaki ay kasabay din ng pagtarak ng patalim sa kanya.

Sabay silang tumumba nung lalaki pero mas malala ang nangyari sa kanya nasaksak sya sa my tiyan.

“miss hey don’t give up padating na ang ambulance” maiyak iyak na sabi ng ginang. Hindi na nya masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito at nanghihina na sya

RecoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon