CHAPTER 48 START OF SOMETHING NEW

11 0 0
                                    

hindi mapakali si allysa sa kalagayan ni Stephen. mataas pa din ang lagnat nito at ayaw nyang magpadala sa hospital.

si baby jay-ar at ang mommy nya ay nasa bahay ng mama nya. gusto din kasi ng mama nya na makasama ang apo dahil bukas ay aalis na sila pero sa kalagayan ni steven mukhang malabo.

pumunta muli siya sa silid ng binata at sinapo ang noo, mainit pa din iyon.

inayos nya ang kumot dahil giniginaw ang binata.

humiga sya at niyakap ang binata na nanginginig sa lamig

“ito na lang ang magagawa ko sa lahat ng tulong mo sa aming mag-ina. I don’t know what im going to do if your not by my side.” bulong nya sa binata na natutulog

bigla itong gumalaw at humarap sa kanya

“ang kulit mo talaga. I already told you gusto ko ang ginagawa ko at hindi ako humihingi ng kapalit” sabi ng binata sa hirap na boses

nagulat man ay ngumiti nalang ang dalaga. nagsumiksik ito sa dibdib ng binata

“ok ka lang ba? hindi ka naman kasi nagsabi na uuwi ka na sana nasundo kita masama na pala ang pakiramdam mo” sabi nya ng wala ng magsalita sa kanila. niyakap naman siya ng binata pabalik

“ok na basta nandito ka sa tabi ko. sa tatlong araw ko sa states takot ang naramdaman ko. natakot ako na baka pag balik ko mawala na kayo sa akin ni baby jay-ar. alam ko naman na may nararamdaman ka pa din kay Stephen at natatakot ako na bumalik ka sa kanya. alam ko naman na wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko”

“im sorry steven. don’t worry I try to forget about him and start a new life with baby jay-ar and you. hindi ka mahirap mahalin steven. nung mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko nanjan ka para alalayan at tulungan ako. inaalagaan mo si baby jay-ar at tinuring mo na parang tunay na anak ikaw pa nga minsan ang nagpapalit ng diaper eh. you are capable of being his father. hindi ko ito gagawin dahil naaawa ako or kung anu pa man. gagawin ko ito dahil gusto ko at alam ko na hindi mo kami kami sasaktan at iiwan ng anak ko. kung papayag ka-“

hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng ilayo sya saglit ng binata at hawakan ang kanyang baba. unti-unti nyang inilapit ang mukha sa mukha nito.

“Im even more willing to do that allysa. ang payagan mo lang naman akong magkalugar sa puso mo ang hinihintay ko eh. don’t worry I wont waste the chance you are giving to me”

“ I know you will” and he gave him a peck on the forehead

masaya si allysa na unti-unti ay mabubuo ang pamilyang gusto nyang mabuo. hindi man sila magkatuluyan ni Stephen meron naman syang steven na handang sumalo sa kanila.

unti-unti na din nyang minamahal ang binata. tulad ng sabi nya hindi ito mahirap mahalin. sa lahat ng nagawa nito para sa kanilang mag-ina wala na syang mahihiling pa.

nang magising kinaumagahan si steven natuwa sya sa nakita nya. ang natutulog na mukha ng dalagang kanyang minamahal.

kahit habang buhay kitang tignan ng ganito hindi ako magsasawa. sabi ng binata sa sarili

masaya sya at sa wakas ay may puwang na siya sa puso ng dalaga.

hindi nya sasayangin ang pagkakataon na binigay nito.

nang magising si allysa ay nakita nyang wala sa si steven. bumaba siya at hinanap ang binata

nakita naman nya ito sa kusina at nagluluto. lumapit sya dito at kinuha ang sandok

“bakit naman ikaw pa ang nagluto hindi ba at may sakit ka” sabi nito sa kanya pero hindi naman sya galit

“don’t worry im fine. hindi na naman ako nilalagnat eh” sinapo naman nya ang noon g binata at wala na nga itong lagnat

kahit na baka mabinat ka paano na yung album nyo diba next year na ang launch nun”

“don’t worry everything is going to be alright kaya akin na yan at umupo ka na doon” sabi nya at kinuha ang sandok sa dalaga.

nang hindi pa din ito natinag ay giniya na nya ito sa dining area at pinaupo.

nang matapos kumain ay pinainum pa din ni allysa si steven ng gamot

pumunta sila sa living room at nanuod ng t.v

“saan mo ba gustong tumira dito o sa bahay?” he asked out of the blue

“hindi ko din alam. pad dito ako tumira mapapalayo sa inyo nila kyle alam mo naman yung batang yun hindi ko matiis. pag doon naman mamimiss ko din sila mommy at mama”

“I see. pero kung makapag desisyun ka sabihin mo lang sa akin.”

“ok” then she gave him a wide smile and lean to his shoulder

nang makauwi ang kanyang mommy, mama at si baby jay-ar ay umalis na din sila kailangan pa kasi ni steven na puntahan ang bar nya.

habang nag-aayos si allysa ng gamit ay kinausap ni Stephen ang mommy at mama ni allysa.

nang makababa na sila ay nagpaalam na sila sa mga ginang at lumulan na sa sasakyan.

“bye anak ingat sa byahe” sabi ng mama nya

“baby dumalaw dalaw kayo dito ha” sabi naman ng mommy nya

“opo. sige po mauna na po kami baka po matrafic pa kami sa byahe” sabi naman nya at saka humalik sa dalawa

“steven ingatan mo sila ha” sabi naman ng mama nya sa binata

“sabihan mo nalang kami pag ok na ang lahat” sabi naman ng kanyang mommy”

“maraming salamat po” pagkasabi noon ay umalis na din sila.

“anu yung pinag usapan nyo nila mama kanina?” tanung nya dito

“you will know it soon. wag mo nang masyadong isipin yun ok” sabi nya dito. sumimangot naman sya dahil naglihim ito sa kanya

“hey don’t be like that soon you will figure out ok” nag-aalala nyang sabi

“fine!”

“I will kiss you if you don’t smile. I  mean it” sabi nya at inihinto ang sasakyan.

“anu kasi-“ hindi na nya naotuloy ang sasabihin dahil hinalikan na sya ng binata. it was a soft kiss

“malalaman mo din yun ok. cheer-up”sabi nya pagkalas sa halik

hindi na sya nakapagsalita sa nangyari kaya tumango nalang sya.

“im sorry If I kiss you. ayaw ko lang kasi magsinungaling sayo kaya napilitan akong gawin yun” sabi nya sabay yuko. namumula ang pisngi ng binata dahil first time nyang mahalikan sa labi si allysa.

“no I should be the one to apologized ang kulit ko kasi” sabi din nya sa nahihiyang tono. pareho lang silang nabigla sa nangyari

“don’t worry malalaman mo din yun soon” pag-aalo ng binata

“ok. sige hindi na kita kukulitin”

“sorry again” sabi nya at pinaandar na ulit ang sasakyan

RecoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon