“sstteeeevvennnnn” sigaw ni allysa. pumutok na ang kanyang panubigan at manganganak na sya
agad namang napasugod ang binata sa kanyang silid
“hold on ahlay ilalabas ko lang yung sasakyan” pumasok na din sa silid ang mama nya si ellese at kyle
“ate what wrong bakit ka po sumigaw?”
“kyle lumabas ka muna” sabi ni ellese
“anak ikalma mo ang sarili mo.” nag-aalala namang sabi ng kanyang mama
ilang sandali pa ay bumalik na alit si steven at binuhat na sya palabas
nang makarating sa hospital ay agad na siyang ipinasok sa emergency room
“anak umupo ka nga nahihilo na kami sa iyo” sabi ni ellese kay steven
“oo nga hijo. don’t worry magiging ok lang si ahlay” sabi naman ni ana
umupo naman siya pero hindi pa din sya mapakali. kahit hindi sya ang tunay na ama ng bata ay ganun nalang ang kanyang pag-aalala. napamahal na siya ng tuluyan kila allysa
pumunta ang dalawang ginang sa chapel ng hospital para ipagdasal ang kaligtasan ng dalawa. naiwan naman si steven kasama si kyle para magbantay
“kuya ok lang po ba si ate ahlay?”
“oo kyle magiging ok lang si ate ahlay. pray for her ok”
“ok kuya sasabihin ko kay god wag papabayaan si ate at baby
ilang oras din ang itinagal ng pagle-labor ni allysa. lumabas na ang doctor na nagpaanak sa kanya
“kayo po ba ang pamilya ng pasyente?” tanung ng doctor
“ako po ang mama nya” sabi ni ana
“ok na po sila ng baby nya. pwede na pos yang ilipat ng silid” pagkasabi nun ay umalis na ang doctor
nang mailipat na sa private room si allysa ay nakahinga na sila ng maluwag. ibinigay ng nurse sa dalaga ang kanyang anak
“napaka liit nya mama” natutuwa nyang sabi at tumulo ang kanyang luha
“mommy can I hold baby?” tanung ni kyle pagkuwan
“mamaya na kyle papakainin pa sya ni ate” sabi naman ni ellese
“kamukhang kamukha sya ni Stephen anak” bulong ng kanyang mama sa kanya
oo kamukhang kamukha ni Stephen ang anak ko. hindi maipagkakaila na anak niya iyon
lalo siyang napaiyak ng maalala ang binata siguro masaya na sila ni jane at ng kanilang anak
pagkatapos niyang ibreastfeed ang anak ay pumasok na si steven. ang kanila namang mga mama ay umuwi sandali para kumuha ng gamit
“ok ka na ba?” tanung ng binata saka umupo sa gilid ng kama
“ok na. salamat”
“sige magpahinga ka na. maya-maya ay kukunin na ng nurse si baby”
humiga na siya at pumasok na ang nurse para kunin ang kanyang anak.
kinumutan siya ng binata.
hindi nya namalayang nakatulog na pala siya
halos isang lingo na din ng manganak si allysa. makalipas ang dalawang araw sa hospital ay nakalabas na din sila. nagstay muna ang mama niya kila steven bago umuwi. busy din kasi siya sa company
si kyle ay tuwang tuwa pag nilalaro ang anak nya maging si ellese ay ganun din
“may naisip ka na bang pangalan ni baby?” tanung ni steven habang pinapatulog nya ang anak
“meron na kapangalan ng kanyang ama. ayaw ko naman ipagkait ang pangalan ni Stephen sa anak nya. hindi naman ako galit sa kanya kaya ayos lang. ikaw ba ok lang sa iyo?”
“kung ano ang gusto mo susuportahan lang kita ahlay”
“thank you for being understanding steven” at niyakap nya ang binata
dumalaw na din si Dianne para makita ang baby nya
“bessy ang cute naman ng baby mo kamukhang kamukha sya ni Stephen”
“oo nga. kamusta na si mommy”
“ayun lonely pa din. buti pa si baby Stephen kamukha talaga ni Stephen e yung anak ni jane mukhang hindi naman. kakapanganak lang nya kagabi”
“oh I see.” biglang may kumirot sa puso ni allysa ng marinig iyon
“nga pala bessy nabalitaan mo ba ikinasal na si josh at yvone”
“hindi eh. anung gusto mong miryenda bessy?” pag-iiba nya ng usapan
“kahit anu na lang hindi na din ako magtatagal bessy may inaasikaso pa ako sa office eh”
pagkatapos kumain ay umalis na din si Dianne.
biglang lumungkot ang mukha ni allysa at hindi nya namalayan na umiiyak na pala siya. siguro ay naramdaman ng kanyang anak na malungkot siya kaya umiyak din iyon.
hinele nya ito ng makatulog. humiga na din sya at nagpahinga dahil sumama ang kanyang pakiramdam