Nagising si Allysa at ng kanyang buksan ang mga mata ay nasa isang silid na siya na puro puti ang kulay. May narinig syang boses sa paligid
“Kuya gising na po si ate Mitch” sabi ni Kyle ng makitang minulat ni allysa ang mata. bigla namang tumayo si Steven at tinignan ang dalaga
“Mitch, are you ok? Kamusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanung ni Steven
“ok lang naman ako eh. hindi nyo na sana ako dinala dito” mahinahon nyang sabi. biglang pumasok ang doctor
“michelle ok naman ang lagay mo. iwasan mo lang ang masyadong stress and I advise you to take vitamins, makakabuti yun para sa baby
Bigla namang nanlaki ang mata ng dalawa ng marinig ang sinabi ng doctor
“Doc sigurado po ba kayo na buntis ako?” nanghihina nyang tanung
“Oo, Hindi mo ba alam? Your three months pregnant. Ikaw ba ang ama?” baling naman nya kay steven
“ahm hindi po”
“Oh I see. I recommend na magpacheck kayo sa isang OB para maresetahan kayo ng mga vitamins at maensure ang safety nyo ng baby. Pwede ka na ding lumabas ng hospital” pagkasabi nun ay umalis na ang doctor
“ate mitch you are pregnant?” tanung ng bata sa kanya
pagkatapos mag bayad ng bill sa hospital ay umuwi na din sila allysa. pagkapasok nya sa kanyang silid ay tumulo ang kanyang mga luha.
hinaplos nya ang kanyang tiyan. hindi sya makapaniwala na may buhay pala sa kanyang sinapupunan.
“baby aalagaan kita at mamahalin. sorry ha hindi kasi natin makakasama ang daddy mo” sabi nya habang hinahaplos ang tiyan
narinig nyang may kumatok sa pinto ng kanyang silid kaya binuksan nya iyon. bumungad sa kanya si steven
“ok ka lang ba?” nag-aalala nyang tanung ng binata
“im fine steven don’t worry. come in” sabi nya. umupo sila sa gilid ng kama.
“maybe its time for me to tell the truth about me” sabi nya ng hindi tumitingin sa binata. hindi ito umimik at hinintay lang ang susunod nyang sasabihin
“my real name is allysa Gomez, napadpad ako sa lugar na ito dahil tumakas ako, don’t get me wrong hindi naman ako criminal tumakas ako sa sakit na pwede kong maramdaman. you can call me a coward. yung taong nagtiwala ng lubos sa akin ay nabigo ko. natakot ako ng mangyari ulit yung dati sa papa ko kaya umalis nalang ako. alam kong hindi gagawin yun ni mommy bea ang taong nag-aruga sa akin ng umalis ako sa amin pero natakot ako ayaw kong makita syang dis-appointed sa akin. ipinagkatiwala nya sakin ang kompanya na matagal nyang iningatan pero nawala yun sa akin, ang masakit isa sa pinaka importante tao sa akin ang kumuha noon. ang akala ko si Stephen ang magiging sandigan ko sa lahat ng nangyari sa akin pero nakita ko syang may katabing ibang babae sa kama, alam ko naman na napilitan lang sya at walang pagmamahal sa akin dahil ang buong relasyon namin ay dahil lang sa kasunduan ng mga magulang namin.” nag pause sya sandali dahil hindi na nya mapigilan ang sariling imosyon. nasasaktan sya sa mga nangyari sa kanya.
“pero masaya ako kasi sa lahat ng nagyari sa akin ang baby ko ang magiging lakas ko. kahit wala si Stephen susubukan kong palakihin sya ng maayos. siguro kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan para maging mabuting ina sa magiging anak ko”
lumapit naman si steven sa kanya at niyakap sya. ramdam nya ang paghihinagpis at lungkot ng dalaga
“im here to help you allysa. hindi kita pababayaan at ang magiging anak mo”
“no steven. ayaw kong maging unfair sa iyo. you don’t have to shoulder us. kaya ko naman. siguro babalik nalang ako sa tunay kong pamilya at ililihim nalang ang pagbubuntis ko kay Stephen para hindi na ako makagulo pa sa kanila. tama ng ako nalang ang masaktan”