maagang nagising si Stephen at agad na naligo at nagbihis. ngayon ang araw na magkikita muli sila ni allysa at ng kanyang anak
isang resort ang napili nyang venue. kinakabahan man ay masaya siya dahil kahit sa huling pagkakataon ay pumayag pa rin si allysa na makipag kita sa kanya
ilang sandali lang ay nakarating na siya sa resort. halos isang oras din bago nakarating si allysa at ang kanilang anak. agad nya itong sinalubong
“salamat at pumayag kang makipagkita sa akin allysa”
“kailangan din natin ito Stephen. wala namang masama kung makipag-usap ako sa iyo at wala akong karapatang ipagkait sa iyo ang anak mo”
“salamat. pasok muna tayo” pagkasabi noon ay dinala na nya ang mga gamit ng dalaga at pumasok sa isang nipahut
kumain sila nang agahan at namahinga sa isang cottage malapit sa dagat
“so kelan ang kasal nyo ni steven?” naiilang na tanung ni Stephen
“wala pa namang date. inaayos pa namin ni steven ang lahat pati na rin ang sa atin”
“alam ko namang mahal ka ni steven at handa akong magparaya kung iyon ang ikakasaya mo. ang gusto ko lang ay ang kapatawaran mo. alam kong nasaktan kita at nagsisisi ako dahil naging duwag ako”
“napatawad na kita Stephen dahil sa totoo lang hindi ko naman kayang magalit sa iyo. lahat naman tayo ay nagkakamali kaya sino ba naman ako para hindi magpatawad. mahal kita Stephen at kahit kalian hindi ka na mawawala sa puso ko.” hindi na nya napigilan ang luha na umagos sa kanyang mga mata
“kung hindi lang sana ako naging duwag. pero masaya akong malaman na mahal mo ako. siguro nga hindi man tayo para sa isat-isa ang nakasama ka ay sapat na atleast naparamdam ko sayo ang pagmamahal ko. sana alagaan mo si baby jay-ar para sa akin”
“aalagaan nating tatlo ni steven hindi naman namin siya ipagkakait sa iyo”
“sana magagawa ko iyon. tara langoy tayo.” makahulugan nyang sabi at tumayo na
“paano si baby jay-ar?”
“iwan nalang muna natin dun sa kids section.mabait naman si baby jay-ar eh”
its been a long time since they bond and been happy like that. namiss nya ang mga panahon na masaya sila na magkasama.
aaminin nya mahal pa din nya si Stephen at hindi magbabago iyon kahit anung mangyari pero mahal na din nya si steven
gusto nya lang na kahit sa huling pagkakataon ay makasama at makausap nya ulit ang binata at magkaroon ng closure sa kanilang dalawa
nang tumirik na ang araw ay umahon na sila at kinuha na ang anak
kumain sila nang tanghalian at pinakain na din ang anak
“I wont forget this day of my life. thank you” sabi ni Stephen
“same as mine”
“wag mong pababayaan ang sarili mo at pati na rin ang anak natin ha. pag pinaiyak ka nung lalaking yun sabihin mo lang sa akin” natatawa nyang sabi
“don’t worry about us. bakit ba ganyan ka para namang mawawala ka na eh”
“hindi no. excuse me lang magcCR lang ako”
“ok”
at umalis na ang binata.
STEPHENS POV
hindi ko talaga kayang mawala siya. I love her
pumunta ako sa CR dahil hindi ko na napigilan ang luha ko.
tsk its so gay pero nasasaktan talaga ako
ayaw ko man syang ibigay kay steven pero wala na akong magagawa nasaktan ko na sya at ayaw ko na siyang masaktan ulit.
kahit sabihin ko sa sarili ko na ok na ako pero sa loob ko nasasaktan ako.
bakit kasi naging duwag ako.
siguro nga bakla ako kasi hindi ako naging tapat sa kanya. im coward
pero kailangan nya ding sumaya kahit alam kong hindi iyon sa piling ko.
pag nakasigurado na akong masaya na talaga siya maybe that is the time to let her go even if it hurts so bad
naghilamos muna si Stephen ng mukha bago lumabas ng CR
“akala ko kinain ka na ng CR bakit ang tagal mo?” tanung ni allysa ng makabalik siya. nilalaro nito ang anak dahil umiiyak
“bakit umiiyak si baby jay-ar?” tanung nya dito at umupo na ulit
“ewan ko nga eh bigla nalang syang umiyak”
inilahad niya ang kamay at inabot ang anak.
sa isip nya siguro ay nararamdaman ng kanyang anak ang nararamdaman nya. niyakap niya ito at ilang saglit lang ay tumahan na din iyon
pagsapit ng hapon ay napagpasyahan na nilang umuwi
“thanks again allysa.”
“wala yun”
“can I kiss you for the last time?”
nabigla man sa sinabi ng binata ay tumango na lamang siya
it was a soft kiss he was longing for so long
nang kumalas sila sa halik ay pareho na silang tahimik sa byahe hanggang sa maihatid na ng binata ang mag-ina