EPILOUGE

23 0 0
                                    

lahat ng ating gagawin ay may kaakibat na consequence.

kung mahal mo ang isang tao kahit anung mangyari magiging tapat ka sa kanya

kung may mga problema man na dumating sa buhay mo kailangan mong maging matatag para malampasan ito.

god has his own will para sa atin. kailangan man nating mapalayo sa mga taong mahal natin we have to move on and face another life with another one.

tulad ng istorya ko kahit anung ups and down ang napagdaanan ko my only key is not to give up.

sa istorya ng buhay ko maraming salamat sa lahat ng sumama para tulungan ako. kahit na may pagka magulo nito salamat at hanggang sa huli nanjan kayo

siguro tinatanung nyo kung ano na ang nangyari sa akin ano?

well isa lang ang masasabi  ko im happy, opo masaya na ako sa lalaking napili ko at sa mga angels na dumating sa akin. meron na din kaming anak ni steven

we have our 2 kids one girl and a boy at ang anak ko na si jay-ar

his thirteen years old now at kilala naman nya ang tunay nyang ama. hindi ko ipagkakait sa kanya ang katotohanan tungkol sa tunay nyang ama. minahal at tinuring din syang tunay na anak ni steven. at yun ang ikinasiya ko na ni minsan ay hindi naramdaman ni jay-ar na hindi siya parte ng pamilya

“mommy bilis na po miss ko na po si daddy” sabi ni jay-ar, dadalawin nila ngayon si Stephen

“wait baby matatapos na si mommy ok go to the car now susunod na ako”

“mommy im not a baby anymore”

“ow ang baby ko binata na. fine sige na mauna ka ng bumaba”

sumunod naman ito at lumabas na ng silid

“hi daddy I miss you so much. busy po kasi ako sa school but im on the top. diba po I promise that to you. daddy I love you so much and I will never forget you” lumuha na ang bata. maging siya ay lumuha na din

“ikaw kasi eh. kung hindi ka lang nawala sana ikaw ang umaakyat sa stage para magsabit ng medal sa anak mo. akala ko ba ok na tayo pero bakit ganito” niyakap siya ng anak niya at pareho silang umiiyak

“daddy kahit wala ka na po you will always be on my heart”

nang dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya ten years ago ay namatay si Stephen.

nagulat man ang lahat ay natanggap na nila ang nangyari pero kahit kaylan ay hindi na mawawala sa puso nila ang binata

kahit na wala na si Stephen ay hindi nya napabayaan ang anak

matapos ang kasal at makita ang regalo ng binata ay naluha siya

FLASHBACK

nang makita ni allysa ang regalo ni Stephen ay agad nya itong binuksan

isang singsing at isang envelope. binuksan nya ito at nakita ang lahat ng properties ng binata na nakapangalan sa kanilang dalawa ni baby jay-ar. hindi nya napigilan ang mapaluha.

kasama ng document ang isang sulat

To Allysa;

kung mawawala man ako ayaw kong pabayaan si baby jay-ar. sana tanggapin mo ito.

hanggang buhay kitang mamahalin at kahit kalian ikaw lang ang mamahalin ko.

kahit kelan ay hindi na ako tumingin sa iba simula ng makilala kita and im happy na malaman na hindi ko talaga anak ang sinasabi ni jane na anak ko.

alam kong huli na kaya sana maging masaya kayo ni steven at alagaan mong mabuti si jay-ar.

hanggang dito nalang siguro tayo pero hindi ako nagsisisi na makilala at mahalin ka. marahil pinagkasundo lang tayo pero simula nang makilala ko ang tunay na ikaw kahit na tinatarayan mo ako alam ko sa sarili ko na nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay at tutuparin ko yun ikaw lang ang mamahalin ko

I love you allysa and my angel jay-ar

Love Stephen

END OF FLASHBACK

“anak kahit wala na ang daddy nandito pa din sya” itinuro nya ang kanyang dibdib “he is olways in our heart no matter what happened”

hindi naman po malungkot ang ending ng story na ito. masaya na sila kasi kahit nawala ang isa sa mahal niya hindi na iyon matatanggal sa puso niya tulad ng pagmamahal nya kay Stephen.

masaya na silang namuhay ni steven at mga anak nila at wala na siyang mahihiling pa.

(a.n; thanks po sa nagbasa ng story ko I appreciate it sana po nagustuhan nyo ang ending kahit na ang iba ay gustong nagkatuluyan si allysa at Stephen. hindi ko din po alam kung bakit naging ganito ang flow pero im happy sa kinalabasan. sorry po sa typo, grammar at kung anu-ano pang error. to the bottom of my heart thank you. sana po basahin nyo din ang iba ko pang story.

pag may time po ako I try to polish this story para gumanda. nagmamadali din kasi akong gawin. yun lang po. THANK YOU =)”)

THE END

RecoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon