Its been a month or more simula ng magsimulang manligaw si steven sa kanya. tulad ng kanyang sinabi sa puntod ng ama ng dalaga naging masaya si allysa sa piling ni steven
malapit ng sumapit ang pasko si allysa ay dumalaw sa bahay ng mommy nya kasama ang mama at anak nya. dumating din si Dianne para mangumusta
“so bessy kalian mo ba sasagutin si papa steven?” tanung ni Dianne
“hindi naman sya nagtatanung eh” nahihiya nyang sabi
“naku anak kung ako sayo wag mo nang pakawalan yang si steven. napakabait na bata” sabi ng kanyang mama
“oo nga nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagmamahal sa iyo” sabi naman ng kanyang mommy
“hai naku parang mas excited pa po kayo sa akin eh. hayaan nyo na pong ang tadhana ang magdikta” sabi naman nya.
“saan nga pala kayo magcecelebrate ng pasko anak?” tanung ng kanyang mama
“hindi ko pa po alam mama”
“dito nalang kayo magcelebrate baby. kasya naman tayong lahat sa bahay even steven’s family can celebrate here. wala naman kasi akong makakasama” malungkot na sabi ng kanyang mommy
“sasabihin ko po kay steven. mama dito na din po kayo. nakausap ko po si kuya uuwi din daw po sila sa Christmas”
“sige anak sasabihan ko nalang si angelo. mabuti pa maghanda na ako ng makakain natin” sabi naman ng kanyang mama
habang nanunuod sila ng movie umakyat muna si allysa para ayusin ang kanyang silid
bang nag-aayos ng kama ay parang may kulang sa pakiramdam nya
parang may nakalimutan siyang kung anu
nang matapos magayos ay bababa na sana siya ng mapansing nakapatay ang mga ilaw at may nakakalat na mga rosas sa sahig. meron ding mga kandila na nagiilaw sa kanyang daraanan. sinundan nya ito at napansing wala na ang taong kanina ay kasama niya. may nakakalat na ding balloons at roses sa parte ng living room.
nang sa huling petal ng bulaklak na lang ang kanyang nakita biglang may tumugtog na music kasabay ng kanta ng isang napaka gandang tinig
“happy birthday to you
happy birthday to you
happy birthday happy birthday
happy birthday to you”
biglang bumungad sa kanya ang isang napaka gwapong lalaki na may dalang tulips.
hindi napigilan ni allysa ang mapaluha. iniabot ng lalaki ang bulaklak sa kanya
“why are you crying? hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?”
“no its just that you surprise me. kung ako nga na may birth day nakalimutan ko pero ikaw naalala mo. nakakainis ka kaya pala hindi ka sumama dito may plan ka pala”
“syempre naman mahal kaya kita” nakangiti nyang sabi
“nasan nga pala sila mama?” pagkasabi noon ay biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa kanya ang mga taong malalapit sa kanya. maging ang pamilya ng binata ay nandoon din.
“ate ahlay si kuya po ang nag plan ng lahat ng ito. do you like it?” tanung ni kyle
sasagot na sana siya ng biglang may magsalita
“huli na ba kami sa party?”
nang marinig ni allysa ang tinig na iyon ay agad siyang tumakbo papalapit sa nagsalita at yumakap
“kuya ikaw din nandito?”
“syempre naman ako pa ba ang mawawala. ito kasing si steven kinulit ako he even pay our tickets para lang maisama sa kalokohan nya.”
kumalas siya sa yakap at saka tumingin sa binata na nakangiti
“you all plan this? kaya pala lately hindi mo ako pinapansin may pinaplano ka pala” nagtatampo nyang sabi.
lumapit ang binata sa kanya saka siya niyakap nito. “im sorry for snubbing you. kasi naman baka mabuko mo ako kaya hindi nalang muna kita pinansin alam mo namang hindi ko kayang magsinungaling sayo eh” and he kiss her forehead
“oh sya tama na yang kacheesyhan nyo baka magutom pa ang baby ko kumain na tayo” sabi naman ng kuya nya. her wife is a five months old pregnant
“halina kayo sa dinning area tapos na akong maghain kumain na tayo” sabi naman ng kanilang mama
“it seems you don’t like my surprise” nakasimangot na sabi ni steven nagpahuli kasi sila ng punta sa hapag
“I don’t like it. I love it” nakangiti nyang sabi then she gave him a peck on the lips
natuwa naman ang binata kaya hinapit nya ito sa bewang at hinalikan.
nang matapos kumain ay binigay na ng lahat ang kanilang mga regalo.
masaya ang naging selebrasion ng kaarawan ni allysa nang dahil kay steven. hindi nya akalaing sasaya pa siya ng ganuon.
matapos ang salu-salo ay umuwi na din ang ibang bisita. ang kanyang kuya at asawa ay tumuloy na sa bahay ng kanilang mama, si Dianne naman ay umuwi na din. sila kyle ay hinatid na ni angelo. kasama naman ng mommy nya si baby jay-ar.
napag pasyahan nila allysa na pumunta muna sa park para mamasyal
“thank you steven. nag- abala ka pa para sa birthday ko”
“you don’t have to say a thing. your smile is enough”
“at kalian ka pa natuto ng ganyan ha. nagiging masyado ka ng sweet”
“ayaw mo ba? sabi kasi ni kyle eh isurprice daw kita. akalain mo marunung na sya ng ganun”
“si kyle talaga. masyado kasing sweet ang batang yun eh.”
“bakit ako ba hindi sweet” he said then pout
“naku kanino pa ba magmamana ang batang yun kung hindi sa iyo. tinatanung nga pala nila mama kung saan kami magcecelebrate ni baby”
“saan mo ba gusto?”
“hindi ko din alam. pero gusto ko sana kompleto tayo parang ngayon”
“don’t worry ako na ang bahala don ok”
“ok” nakangiti nyang sabi
“wait before I forgot here is my gift” iniabot nya ang isang maliit na pahabang kahon
“what is this?”
“open it” nang buksan nya ang kahon ay bumungad sa kanya ang isang necklace na may singsing .
“like it?”
“yeah thank you. pero bakit my ring?”
“you will know what is the purpose of that in the right time. ingatan mo yan ha”
“I will” at isinuot na iyon ng binata sa kanya