CHAPTER 45 DADA

12 0 0
                                    

nakatanggap si allysa ng masamang balita buhat sa kanyang mama ng tumawag ito

isinugo ang mommy bea nya sa hospital. agad niya itong pinuntahan sa hospital kasama si steven at ang baby nya

nakita nya sa labas ng silid ang kanyang mama. agad nya itong niyakap

“kamusta na po si mommy bea mama?” nag-aalala nyang tanung

“ok na sya stable na ang lagay nya. puntahan mo na sya sa loob alam kong ikaw lang ang hinihintay nya” agad syang pumasok at iniwan muna si steven at baby jay-ar sa labas.

“mommy” tawag niya sa ginang. agad naman nitong iminulat ang mga mata at biglang lumuha

“baby ikaw ba yan?”

“opo” lumapit siya dito at niyakap. ngayun ay pareho na silang umiiyak

“I miss you so much baby. ang akala ko hindi ka na babalik. bakit ka ba umalis?”

“im sorry mommy for being coward. but now im here”

“promise me you wont leave again”

“promise mom. may ipapakilala nga po pala ako sa inyo” pagkasabi nun ay lumabas siya at pagbalik ay kasama na nya si baby jay-ar at steven

“mommy this is baby jay-ar anak ko po.”

“oh my god anak may apo na ako. pwede ko ba syang hawakan?” ibinigay naman ni steven si baby jay-ar sa kanya

“mommy si steven po boyfriend ko” tumingin naman sya sa binata at ngumiti

“salamat sa pag-aalaga sa anak ko hijo”

“wala po yun. kahit habang buhay ko pa pong gawin yun hindi po ako magsasawa” nakangiti nyang sabi

“you’re a good man steven I can feel that just take good care of allysa and baby jay-ar”

“don’t worry tita I will”

“mommy hijo”

“yes mommy”

nagulat ang lahat sa lalaking pumasok ng silid

“mom-“ hindi na naituloy ni Stephen ang sasabihin ng makita ang bisita ng ginang

“anak pwede mo ba kaming iwan muna?” sabi ni bea kay Stephen

“no mom ok lang paalis na din naman kami ni steven baka gabihin pa kami sa byahe”

“pwede naman kayong tumuloy sa bahay diba. ilalabas na din naman ako bukas. gusto ko kayong makasama ng apo ko”

“steven ok lang ba?”

“kung anu ang gusto mo babe”

“sige po mommy dun na po muna kami. we will just wait you their” pagkatapos humalik ay kinuha na niya si baby jay-ar at lalabas na sana ng pigilan siya ni Stephen

“wait ahlay” pag pigil ni Stephen sa kanya at hinawakan ang braso nito. mukhang malungkot ang mga mata nito. hindi tulad ng dati nag iba na ang hitsura ng binata ang dating makisig at gwapong Stephen ay napalitan ng isang malungkot at walang kabuhay-buhay na Stephen

“get off me Stephen” sinubukan nyang tanggalin ang pagkakahawak ng binata ngunit hindi ito kumalas. umiiyak na din si baby jay-ar

“I just want to talk to you”

“sorry Stephen wala na tayong dapat pang pag-usapan”

“brod pwede bang bitiwan mo ang girlfriend ko nasasaktan sya at ayaw nyang makipag-usap sa iyo” sabi naman ni steven

“please allysa listen to me” nagmamakaawang sabi nya

“mga anak”

“fine. babe mauna ka na sa sasakyan susunod na ako” aangal pa sana si steven pero wala na din syang nagawa. nagpaalam na sya sa ginang at umalis. sila allysa naman ay lumabas na din. nagpaalam na din sya sa mama nya

pumunta sila sa garden ng hospital

“baby stop crying please” sabi nni allysa sa anak namumula na ito kakaiyak at inuubo na din.

“allysa anak mo yan?”

“oo anak ko ito. anu ba ang sasabihin mo pwedeng pakibilisan baka nagugutom na ang anak ko” may diin sa huli nyang salita

“look allysa im sorry kung nilihim ko ang tungkol kay jane. believe me hindi ko sya mahal naframe up lang ako maniwala ka naman”

“so hindi totoong ikaw ang ama ng anak nya?”

“I don’t know”

“see you don’t know. please Stephen masaya na ako. wag mo na akong guluhin pa. kung anu man ang nangyari dati kalimutan na natin. you have your own life too. alagaan mo nalang ang mag-ina mo”

“I don’t love her allysa”

“I love steven. im sorry” aalis na sana sya ng hawakan ulit ni Stephen ang braso

“and I love you. please believe me”

“im sorry” lalong lumakas ang iyak ni baby jay-ar. umupo siya sa bench at nilaro ang anak pero hindi ito tumitigil

“can I hold him?” napatingin naman si allysa sa binata. hindi nya alam kung bakit nya inabot ang bata dito. parang may sariling pag-iisip ang kanyang mga kamay.

nang mahawakan ni Stephen ang bata ay tumigil ito sa pag-iyak. napangiti ang binata may naramdaman syang kakaiba sa bata

“he looks like me” bigla nyang nasabi yun ng titigan ang bata

“dada” sabi ng bata

biglang tumulo ang luha ng binata pati na din siya. kinuha ni allysa ang bata at tumayo

“kung wala ka ng sasabihin aalis na kami”

hindi na nakaimik si Stephen nanghihina sya sa mga nangyari. antagal nyang hinintay na makita muli si allysa.

kakaiba ang naramdaman nya ng magsalita ang baby. parang gusto nyang makipag-usap sa kanya.

nang matauhan ay hahabulin sana nya si allysa ngunit nakaalis na ito

ALLYSA’S POV

anak nakilala mo ba ang daddy mo? bakit ang unang binigkas mo ay para sa kanya? gusto mo ba syang makasama?

bakit ganoon kahit matagal ng panahon kaming nagkahiwalay mahal ko pa din sya?

nasasaktan akong makita syang nasasaktan. pero ayaw ko ng masaktan may anak na sila ni jane wala na akong magagawa

niyakap nya ng mahigpit ang anak habang nakaupo. nakauwi na sila sa bahay ng mommy bea niya at nagkulong siya sa kwarto niya

bakit ba ako nasasaktan? hindi ba dapat wala na yun para sa akin dahil masaya na ako sa piling ni steven?

bakit bumabalik sa akin lahat ng mga masasayang pangyayari sa amin ni Stephen. ayaw ko ng maalala pa iyon

RecoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon