STEPHEN’S POV
bakit iba ang pakiramdam ko sa anak ni allysa. anak ko ba yun?
masakit malaman na may mahal na syang iba.
matagal ko na syang hinahanap.
mahirap pala talagang hanapin ay isang taong ayaw magpahanap.
simula ng mawala sya nag bago ang lahat maging ako ay nagbago. dahil sa paglilihim ko sa kanya nawala sya sa akin. ang taong inaakala nyang dadamay sa kanya ay nawala.
kung alam ko lang na mangyayari ang ganito hiindi na ako naglihim. talaga ngang nasa huli ang pagsisisi.
sa loob ng mahigit isang taon sya padin ang mahal ko.
sa loob ng mahabang panahon na nawala sya sinubukan kong bawiin ang kompanya. nalaman ko din ang dahilan kung bakit nagawa yun ni josh.
pareho kaming naglihim kay ahlay at pareho namin syang nasaktan. hindi ko sya masumbatan dahil sa kalagayan nya. sigurong maging ako ay gagawin din yun
nang magpunta ako kay mommy bea may inabot sya sa aking sulat. galing daw iyon kay ahlay. nang marinig ko yun ay nabuhayan ako ng loob at pag-asa na baka sakali bumalik sya pero ng basahin ko ito hind ko alam ang gagawin
To; Stephen
hi. hindi ko din alam kung bakit pa ako sumulat sa iyo. siguro galit ka sa akin. im sorry for everything and for causing you so much trouble.
kakapalan ko muna ang mukha ko ha. gusto ko sana na alagaan mo si mommy sa pag-alis ko. I know she is a strong woman but she is fragile.
tama din sigurong hindi natuloy ang kasal natin, you deserve someone better than me Stephen. you’re a good man kahit na minsan nakakainis ka im still thankful na sa lahat ng kamalasan ko sa buhay isa ka sa magandang bagay na dumating sa akin.
ayaw kong sakalin ka sa isang sitwasyon na hindi mo gusto so im letting you go. I know you love jane at wala na akong magagawa doon. but atleast I want you to know na minahal kita kahit na alam kong the feeling is not mutual, na pinapakita mo lang sa iba na mahal mo din ako.
im thankful sa lahat ng ginawa mo.
maybe this is a good bye but im not going to forget you.
thanks for the wonderful gift you have given to me
From; Allysa
kung alam mo lang sana na ikaw ang mahal ko at hindi si jane. gusto ko yung ipagsigawan sa buong mundo pero kahit ipagsigawan ko yun at hindi mo din marinig wala ding silbe. sana naging matapang ako na sabihin sayo ang lahat.
mahal din kita alam mo ba yun. mahal na mahal kita at wala na akong iba pang babae na mamahalin pa
pag nalaman kong hindi ko anak ang sinasabi ni jane na anak ko maniniwala na siguro si allysa na hindi ko talaga mahal si jane pero ang ikinakatakot ko ay may mahal na syang iba.
kasalanan ko ang lahat ng ito.
all I need is for him to love me back.
I know its wrong to force him to love me
but what can I do if his the only one that my heart is longging too be with
making him smile is worth everything but what can I do if all he wants is not me but you
giving him everything he wants even if its har,d I can give
treasure him is the one I dream
By Jane
nagising si allysa ng may marinig na katok sa pinto. agad nya itong binuksan at nakita si steven
“kakain na. mag-ayos ka na at kakain na tayo” pagkasabi nun ay umalis na ang binata
nag-ayos na sya at kinarga ang anak palabas ng silid.
ibinaba nya sa crib ang anak at dumiretso sa dining area
“pasensya na hindi ko napansing nakatulog pala ako”
“ok lang alam ko naman na napagod ka. sige umupo ka na matatapos na ako”
makalipas ang ilang saglit ay nakarinig ng nabasag na gamit si allysa dali-dali siyang pumunta sa kusina at sinilip kung anung nangyari. agad siyang lumapit sa binata
“oh my god steven ok ka lang ba?”
“yeah don’t worry” nakita ni allysa na namumula ang kamay ng binata. natapunan siguro ito ng hawak na soup ng malaglag.
agad nyang hinawakan ito sa braso at itinapat ang kamay nito sa sink at hinugasan.
“I know masakit yan kahit hindi mo sabihin. tignan mo nga namumula na. ikaw talaga umupo ka nalang doon at ako na ang bahalang mag tuloy dito”
“tsk ok lang ako. sige na”
biglang pinisil ni allysa ang kamay ng binata dahilan para mapangiwi ito
“ang kulit mo kasi sige na umupo ka na doon” giniya nya ito paupo at tinapos na ang paghahain.
napansin niya na hindi makakain ng maayos ang binata kaya lumapit siya dito at sinubuan ito
“im not a baby anymore ahlay. kaya ko naman eh” pagmamaktol nya
“ito na lang ang magagawa ko para masuklian ang kabaitan mo, sige na magtatampo ako sayo” hindi na umangal ang binata at kumain nalang
“kumain ka din” sabi nya ng mapansing hindi na kumakain ang dalaga
pagkatapos kumain ay napagdesisyunan nilang manuod muna ng t.v sa living room
“mahal mo pa ba sya?” tanung ni steven sa kanya ng hindi tumitingin
“I don’t know. siguro, hindi naman maaalis yun eh may pinagsamahan kami dati but don’t worry hindi na kami magkakabalikan pa dahil may kanya kanya na kaming buhay”
“pero kung wala ba silang anak nung jane na yun at sinabi nyang mahal ka nya babalik ka ba sa kanya?”
“anu ka ba steven he is just part of my past now”
nakokonsensya sya. ayaw nyang saktan si steven. napamahal man sya dito ngunit hindi nya kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya dahil okupado pa din iyon ni Stephen
nang makaramdam ng antok ay napagpasyahan na nilang matulog.