Prologue

23 2 0
                                    

" Kung sino k-ka man, parang awa mo na! Itira mo naman ako! "  Nagmamakaawang sabi ng isang lalaki sa taong kaharap nya ngayon. Nakatutok ang baril ng taong iyon sa ulo ng lalaki. Hindi mo malalaman kung babae ba ito o lalaki dahil naka maskara ito at balot na balot ang katawan.

Ito ay naka jacket na black at naka hood. Naka jogging pants lang ito at naka rubber shoes. Kitang kita mo ang kanyang kulay pulang mga mata kahit madilim. At sa oras na makita mo ito, Kikilabutan ka.

" Ano ka? Pagkain para itira? " Nakangising sabi ng tao na nasa harap nya. Kahit natatakpan ito ng maskara, halata mong nakangisi ito ng malademonyo. May voice changer din sya sa maskara. Minsan ay boses babae ito at minsan ay lalaki. Gawa ito ng voice changer sa loob ng maskara nya. Maliit lang naman ito.

Ipinutok na ng taong iyon ang baril sa ulo ng lalaki. Hindi pa sya nakuntento at pinagbabaril pa ito sa iba't ibang parte ng katawan at sinaksak pa ito ng kutsilyo kung saan saan. Mas lalong lumawak ang ngisi nya. Iniwan nya ang lalaki na nakahiga lang doon.

Ang taong iyon ay ang tao na dalat ay hinding hindi mo mabangga.

WALANG KINAKATAKUTAN

MAS MALAKAS PA SA HALIMAW KUNG LUMABAN

WALANG AWA

WALANG SINASANTO

At higit sa lahat,

MAY MGA PULANG MATA

************

Eyow!! Unang gangster story.  ^__________________^

Pls support my story!!!

The Demon of all DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon