Hold Me
By: selytsgnikcufyrrahOST: I'll Never Go - Eric Santos (Cover Version)
Prologue
MARAHAS NIYANG pinahid ang kaniyang mga luha na mabilis nag-unahang pumatak sa kaniyang mga pisngi. Pinagsisisihan niya ang lahat. Pinagsisisihan niyang naging makasarili siya at duwag. Pinagsisisihan niyang nasaktan niya ang isang taong napakahalaga sa buhay niya.
"Paano mo nagawa sa akin ito?" bulong ng lalaking kaniyang kaharap. Mahina man ang tinig nito'y ramdam ang hinagpis sa bawat pagkuyom ng mga kamao nito. "How could you, Maine?!" sigaw na nito.
Napahagulhol na siya. Sinubukan niyang impitin ang bawat sakit na kumakawala sa kaniyang bibig, kaya tinutop niya ang mga labi gamit ang dalawang kamay, ngunit bigo siya. Mas lalong lumakas ang kaniyang mga hikbi.
"Hindi ko sinadya, Alden. Nahiya ako sa'yo. Natakot ako sa magiging reaksiyon mo. Sa sasabihin sa'yo ng mga tao. Bata pa ako noon. Mapusok. Padalos-dalos ang pagdedesisyon. I hope you could understand."
"Understand, Maine?! How could I understand when you ran away from me? You left without a word!" sumbat niya. Sa bawat salitang binibitawan nito, sa bawat pagalit na hakbang palapit nito sa kaniya, ay parang nawawasak ang puso niya.
"I'm sorry, Alden... I'm really sorry" humihikbing pagtungo niya.
Sarkastikong napahalakhak ang binatang kausap ni Maine. Napaangat ang kaniyang mga mata at tinitigan ito. Matapang na sinalubong niya ang puno ng pait na mga mata nito.
"Your sorry's not gonna do anything to ease the pain. Sabagay, wala ka naman talagang pakialam sa mararamdaman at naramdaman ko noon. Just leave me alone. Don't ever come back. Ayaw na kita makita. Tutal lumipas ang limang taon ng hindi naman kita nakita, sana tinuluy-tuloy mo na lang. Sana 'di ka na lang bumalik. Get out!" ani Alden na umiwas ng tingin.
"Alden, please?" itinaas niya ang kaniyang kanang kamay, akmang hahawakan si Alden pero tumalikod na ang binata at lumayo. "Alam mo naman kung saan ka lalabas" bulong nito bago tuluyang umalis at mawala sa kaniyang paningin.
Muli, naguunahang nagalpasan sa kaniyang mga mata ang mga luhang sinubukan niyang itago sa loob ng limang taon. Nanghihinang napaluhod siya habang tangan ng mga kamay ang mukha niyang hilam sa mga luha.
_____
Hello po. Medyo madrama ang simula ng ating kwento. Pero may dahilan. Malalaman din narin iyan, sa tamang panahon. (lol!)
Iyong mga characters po, sa up next na.
10/29/2015
SJG(31989)
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...