A/N: I was reading Papa Jack's book na Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack ng mainspired akong i-type ang story na to. Pangungunahan ko na po kayo, you may find this chapter boring. Pero relevant po siya. Plus, sorry na sa mga typos. Phone pa din gamit ko sa paggawa nito. Lol.
So without further ado, heto na po ang Chapter 9! Enjoy!
_____
Hold Me - Chapter IX
(In Maine's POV)
ILANG GABI NA ang nagdaan mula ng magsimula ang work ko as Alden's PA-slash-Stylist. I'm enjoying every bit of it. Kaso, may mga moments na parang kumikirot ang puso ko. Bakit nga ba? Kasi si Bianca. Si Bianca na girlfriend niya. Si Bianca na mahal niya. Si Bianca na maganda. Si Bianca na sikat. Si Bianca na matalino, blah...blah...blah! Eh di siya na.
Don't get me wrong, hindi naman ako galit sa kaniya. Pero masisisi ba ako kung may gusto ako sa boss ko? Well, even before ko pa siya maging boss, bet ko na siya eh. Anong magagawa ko?
It's past ten in the evening. Almost eleven, as a matter of fact. Ang layo ng pinanggalingan ko. The location was set in Batangas para sa teleserye ni Alden. Hindi naman ako artista para magkaroon ng sariling driver, so ako ang nagda-drive magisa pauwi. May service iyong ibang staff, maski si Alden mayroon din. Ang kaso, ayaw ko na makisabay. Ganoon din naman eh. Kaysa mamroblema akong magcommute or paano ako uuwi from drop off point, eh 'di nagdala na lang ako ng sariling sasakyan.
Bukas ang radyo ko noon, nasa isang FM Station. Nananawa na din kasi ako sa music sa Spotify ko. Saktong True Love Confessions na. Enjoy pa naman pakinggan ito. Nakakaaliw kasing pakinggan ang iba't-ibang uri ng callers at kani-kanilang love issues.
"Okay, our next caller is Lianne from Cavite... Hello, Lianne!" ani Papa Jack.
Napangiti ako. Heto't may bago ng caller si Papa Jack. Ano kayang problema nito. Naeexcite kong nilakasan ang volume ng radyo habang tinatalunton ko ang daan papuntang SLEX.
"Hi, Papa Jack. Good evening po sa inyo."
"Anong problema mo, Lianne? Magkwento ka na" sagot muli ng DJ.
"Kasi po, ganito 'yan. Mayroon po akong friend. Nagkakilala po kami sa facebook. Mayroon po kasi kaming mutual friend."
"Teka lang ha, Lianne? Friends lang ba talaga kayo? I mean, currently magkaibigan pa rin kayo? Hindi nag-next level?" pagputol nito sa callwr upang magtanong.
"Yes po, hindi pa po kami."
"Ay! Hindi pa! So meaning may chance?! Sige tuloy mo kwento mo."
"Hayun nga po, nagkakilala po kami dahil may mutual friend po kami. Siya po unang nag-add sa akin. Eh medyo cute po siya kaya in-accept ko po iyong friend request niya. Hanggang sa nagstart na po kami magchat. Nagkakilala na po kami, may mga nakwento na po siya sa akin na tungkol sa family niya. Iyon pong pang araw-araw na nangyayari sa kaniya-"
"Matanong ko lang ulit, ano... Anong pangalan ni friend?"
"James po, Papa Jack."
"James. Okay. So sabi mo, nagkukwento na siya sa'yo ng mga bagay-bagay sa buhay niya. Oh anong problema ngayon?"
"Eh 'yun na nga po, Papa Jack. Sa mga kinukwento po niya, parang nag-iba na po tingin ko sa kaniya. Napkabait po kasi niyang anak at kapatid. Bread winner po kasi siya. Nagtatrabaho po siya bilang call center agent. Para pong unti-unti ng nahulog loob ko. Hanggang po na-realize ko, in love na po ako sa kaniya..."
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...