Hold Me - Chapter III
(Still in Maine's POV)
"HI, MISS. Is this seat taken?"
Napaangat ang tingin ko, from the screen of my phone. To say na nabigla ako is an understatement. Super gulat talaga. As in. Hindi ko ineexpect ang taong nasa harapan ko. Why of all people siya pa. Nagpalinga-linga ako ng tingin sa buong shop. Bakit dito siya uupo?
Tumikhim ang taong nakatayo sa harap ko. "I'm sorry, puno na kasi lahat. And I don't smoke so hindi ako pwede pumwesto sa labas."
Anong I don't smoke siya diyan?! Eh sa mga kwento sa akin ni Ate Yan, every night daw nasa bar ito eh. Ako nga 'wag niyang inuuto! Pinigilan ko ang sarili ko ang irapan siya, kaso I failed.
"Sure, wala naman yata akong choice." Heto na naman ang walang filter kong bibig.
She forcefully smiled before taking the seat in front of me. I don' t really wanna talk to her, so I opened my bag ang grabbed my headphones and my iPod. Blasting the volume to max, I carried on browsing on my phone. Ayaw ko ng intindihin nandoon man si Bianca Bernardo sa aking harapan.
Walang halong kabitter-an or inggit, hindi ko siya feel. Sa mga kwento pa lang ni Kuya Dong kay Ate Yan, na naikukwento naman sa akin ng pinsan ko, ayaw ko na sa kaniya. Madalas matsismis si Bianca na lagi siyang nasa bars. Halos araw-araw eh. Ang masama pa noon, magkasing-edad lamang kami, twenty. Para sa akin, tapos na dapat siya sa rebellious stage eh. At heto pa, pati si Tisoy nadadamay.
Maraming pictures ang kumakalat sa internet about sa pagpunta-punta nilang dalawa doon. Anyway, hindi ko naman na problema yun. Bahala sila. Sila naman ang mag-jowa at careers naman nila ang masisira. Nakakaawa lang si Tisoy kasi nadadamay. Bilang gentleman, alam kong sinasamahan niya lang ang girlfriend niya doon. Or probably not.
Then my phone rang. Janine's name registered on the screen. She's a friend since high school days. I pulled off my headphones and slid my finger on the screen to answer the call.
"Hi, Babe! What's up?" I answered.
Napansin ko namang napalingon sa akin si Bianca. Deadma na lang. We don't know each other anyway.
"Wala lang. You've been missed, kaya ako napatawag" tumatawa niyang sabi sa kabilang linya.
Natawa na din ako, "Aww... I missed you too. Anong ganap?"
"Wala naman. Wanna hit the bar later tonight? It's been awhile. And the rest of the gang agreed. Ikaw na lang hindi."
Napaisip siya. Anong oras na kasi, alas sais na ng gabi at mukhang hindi pa packup ang shoot ng pinsan niya. "I can't promise."
"Why? You're not working in your family's business, are you?" she asked with utter disbelief.
I smiled. Alam na alam ng barkada na hindi ko pa gustong magtrabaho sa kumpanya namin. "Of course not. Hindi pa ako ready to take over the business. Not yet."
"Eh ano? Bakit 'di ka sure?"
"I'm at Ate Yanyan' s photoshoot."
"Don't tell me, nagpapaka-fangirl ka sa pinsan mo?"
"Of course not! I'm working as her assistant. Rather, assistant ng assistant niya."
Humagalpak siya ng tawa. "What the heck?! Seriously?!"
"Lahat na lang kayo, ganyan sa akin. I hate you!" I sighed. "Alam mo naman kasi talaga ang hilig ko, right? Anyway, back to hitting the bar. I'll call you. As soon as matapos si Ate Yan dito, lipad ako papunta diyan. Just text me the place. See you."
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...