Hold Me - Chapter V
MAINGAY SA LOOB ng lugar na iyon. Mausok. Halos wala ng matanaw pa si Maine sa kapal nito. Nagluluha na rin ang kaniyang mga mata. Napailing na lamang siya.
Nakakadalawang Mango Mojito at isang baso ng Rum and Coke pa lamang siya. Kung tutuusin ay kaya pa niya ang isa or dalawang baso ng cocktail drinks, ang kaso ay hindi talaga niya gusto ang ganitong lugar. Ang gusto niya, kung makikipag-inuman man o makikipag-bonding sa barkada ay iyong lugar kung saan pwede silang magusap. Ang lagay eh, ang mga kaibigan niya ay nagsisipagsayaw at naiwan siyang nagiisa sa mesa nila. Kahit pa nga si Janine, na naturingang matalik niyang kaibigan ay iniwan na siya.
Kung may reklamo man sa kaniya ang buong barkada nila, bukod sa pagkakaroon niya ng matabil na dila; isa raw siyang Party Pooper. Alam niyang hindi siya ganoon. Hindi lamang niya matagalan ang pagsayaw sa sobrang sikip na lugar. Napabuntong-hininga na lamang siya, kinuha ang kopita ng kaniyang alak at sumimsim mula roon.
Nilingon niya ang kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan. Nakita niyang nagkakasiyahan sila sa gitna ng maharot na tugtugin. Hindi na talaga niya kaya. Napagdesisyunan niyang lumabas na at doon na lamang hintayin si Marky, kung sasabay ito. Iti-text na lamang niya na uuna na siya at kung sasabay nga ito'y sa labas na siya ng bar maghihintay. Nilagok na niya ang natitirang alak sa baso at kinuha ang itim na shoulder bag niya.
NAKAUPO SIYA SA labas, sa gilid ng kalsada at hinihintay ang reply ni Marky. Mga dalawang minuto na rin siyang naghihintay rito. Panay ang pagbuga niya ng hangin, habang nakatungo, sa labis na pagkainip. Kanina pa niya pinagiisipan kung aalis na ba siya at iiwan ang kaibigan o bigyan pa ito ng ilang minuto pa. Malamang na nagsasayaw pa ito at hindi pa tumitingin ng cellphone.
"Urgh!" narinig niyang galit na ungol mula sa taong lumabas sa bar.
Ini-angat niya ang kaniyang paningin upang lingunin ito. Sakto namang umupo ito sa tabi niya. Nanlalaki ang kaniyang mga matang tumitig dito.
"Totoo ba 'to?! Or masyado lang akong nausukan kanina sa loob kaya medyo blurry na vision ko?!" hiyaw niya sa kaniyang isip.
"Miss, makikiupo muna ako ha?! Magpapahangin lang" sabi ng noo' y nakatungo ring si Alden.
"Siya nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Boses niya 'yan!" muli'y sabi niya sa sarili. "Siya nga."
"Ha?!" marahas na pagtingin sa kaniya ni Alden.
Lalo pang nanlaki ang kaniyang mga mata ng magsalubong ang kanilang mga paningin. Halos hindi na humihinga si Maine dahil sa gulat, kaba, takot, excitement at kilig. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalapit siya ng ganito sa kaniyang Celebrity Crush.
"Anong sabi mo, Miss?" untag ni Alden, na nakakunot ang noo. Tinitigan niyang mabuti ang babaeng nakaupo sa tabi niya. "Teka, kilala kita!" bulalas niya.
Napabaling ang ulo ni Maine sa kaliwa sa pagtataka, "You know me?" nabibigla niyang sagot.
"Yes. You're Ate Yan's cousin, 'di ba?! Kanina sa Starbucks, we almost met. Kaya lang you were in a hurry kaya hindi na tayo na-introduce nila Kuya Dong" ngiti naman nito.
"Oo nga pala..." isip niya. Ngumit na rin siya, pinipilit ang sariling umaktong normal. "Yes, I remember."
"Dito ka din pala pupunta. Pero bakit nandito ka sa labas? Akala ko kasama mo mga barkada mo? Iyon kasi ang narinig ko sa sabi mo kay Ate Yan" nakangiting pahayag pa rin ni Alden.
Halos matunaw naman siya sa lalong paglalim ng biloy nito sa kaliwang pisngi. Kung dati'y gwapong-gwapo siya rito sa tuwing makikita niya ito sa telebisyon o sa malayuan, mas trumiple pa ang kagwapuhan nito sa malapitan. Napahugot siya ng malalim na hininga, pero parang hirap naman siyang ilabas iyon. Humawak siya sa kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...