Hold Me - Chapter XII
TO SAY THAT she's feeling awkward is an understatement. Bakit hindi? It was supposed to be a family dinner. Iyon nga lamang, pati pala pamilya Ricaforte ay kasama nila sa hindi malamang dahilan. Kanina pa sinisipa ni Maine ang paa ng kaniyang pinsan sa ilalim ng mesa, kanina pa rin niya ito pinandidilatan upang sensyasan kung ano ang nangyayari pero clueless din ito.
Ang isa pang ikinababagabag niya ay katabi niya sa kaniyang kanan si Alden. Kung kailan naman kasi panay ang pagiwas niya rito, para namang tinutukso siya ng tadhana na parati itong malapit sa kaniya. Naiiling na lang siyang ibinalik ang atensiyon sa kaniyang pagkain. Ayaw na muna niyang maging conscious sa presensiya ng binata.
"Kamusta ka, Maine?" untag ng kaniyang katabi.
Napapitlag siya dahil doon. Hindi niya inaasahang kakausapin siya nito dahil kanina pa niya hindi nililingon iyon. Ayaw naman niyang maging bastos kaya't sinagot niya ito, ngunit ni lingunin ay hindi niya pa rin ginawa. "Ayos naman ako."
"That's good. Halos hindi na tayo nakapagusap kanina. Busy sa shoot."
"Oo nga" maikli niyang sagot. Ayaw na niyang pahabain pa ang kaniyang mga sagot upang hindi na ito muli pang magtanong.
"Buti nakasama ka sa dinner. Baka kasi may lakad kayo ng barkada mo."
"Hindi naman ako mahilig gumimik eh" muli'y tipid niyang sagot.
Narinig niya itong mahinang tumawa. "May stiff neck ka ba?"
Gulat na napalingon siya rito dahil sa tanong nitong hindi niya maintindihan kung saan nagmula. "Wala. Bakit?"
Tumatawa pa rin ito. Naniningkit ang mga mata nitong hindi naman sadyang singkit. Medyo nanlalalim rin ang mga iyon. Marahil dala na rin ng puyat at pagod. "Kanina pa kasi kita kinakausap pero hindi ka man lang tumitingin sa akin. Akala ko na-stiff neck ka na pero mukhang hindi naman."
Hindi na lamang niya ito pinansin. Bagkus ay muling hinarap ang hapunan niya. Ang kaniyang mga magulang, ang Tita Amalia niya at ang mag-asawang Ricaforte ay masayang naguusap. Habang sina Dingdong at Marian naman ay tila nasa sa kanilang sariling mundo. Si Barbie naman, na bunso sa magkakapatid na Ricaforte ay abala sa pagkalikot ng kaniyang cellphone, na nasa kanan naman ni Alden. Ang taong inaasahan niyang dadalo rin doon ay wala. Sa hindi malamang dahilan, hindi kasama ni Alden si Bianca. Hindi na lamang ito binigyang halaga ng dalaga.
"Uh... Guys?" tawag ni Alden sa atensiyon ng mga taong kaharap sa hapag. "What's with the dinner?"
"Pagkain, Kuya. Kaya nga dinner!" pilosopong sagot ni Barbie, na ang mga mata'y nasa screen pa rin ng phone niya.
Seryoso ang mukhang siniko niya ang tagiliran ng kapatid. "I know. Pero bakit kailangan magdinner tayong lahat na magkakasama? May okasyon ba?"
"Alam mo, iyan din ang tanong ko" sang-ayon naman ni Maine.
"Uy! May mutual understanding sila!" panunudyo ni Marian, na pinanlakihan naman ng mata ni Maine.
"I guess, hindi lang naman siguro kaming dalawa ang walang alam dito, right?" ani Alden.
"Honestly, wala din akong alam" si Barbie iyon.
"Eh kasi, wala ka ng ibang inaatupag kun'di iyang mga gadgets mo" nakangising sambit ni Dingdong.
Napalabi naman si Barbie. "Eh wala naman akong kausap eh."
"Anyway, kaya ko pinlano ang dinner na ito" muling sabi ni Dingdong, "ay dahil may gusto akong sabihin."
Kunot-noong tinitigan ni Marian ang kasintahan. Damang dama ni Maine na kinakabahan ang kaniyang pinsan. Mukhang may hinala na ito. Kahit sino ay mahihinuha ang dahilan ng hapunang iyon, lalo pa't ang kaniyang Kuya Dong pa ang nagplano.
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...