Hold Me - Chapter VII

480 11 2
                                    

Hold Me - Chapter VII

NAGPALINGA-LINGA SIYA sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar na iyon. Parang isang napakalawak na hardin. Mayroon ring mga mumunting ilaw na tila bituin, kulay asul ang mga iyon. Napalanghap siya ng hangin sa ganda ng paligid. Napakabango ng samyo ng mga bulaklak sa paligid. Napapangiti siyang humakbang.

Napakunot ang noo niya ng naramdamang tila mabigat ang kaniyang suot. Nilingon niya ang laylayan at napagalaman niyang nakasuot sa kaniya ang isang napakagarang ball gown. Ang kulay ay maihahalintulad sa langit tuwing umaga. Iyong kulay 'pag walang ulap? Parang kulay dagat. Kumikinang din ang kaniyang bestida. Hinaplos niya ang katawan at natuwa sa disenyong tila binurda ito ng isang masususing kamay. Walang ni iisang sinulid ang naipuwesto ng mali. Turtle neck na sleeve-less ito at mayroon ring nakasuot na mahahabang guwantes sa magkabila niyang braso.

"Where am I?" aniya.

"Meng!" sigaw ng isang pamilyar na tinig.

Hindi siya sumagot, bagkus ay itinuloy ang paglakad. Sinundan niya ang pader ng mga tanim na rosas.

"Meng!" iyon pa rin ang boses. Kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari niyon.

Alam niyang isang panaginip iyon. Ayaw niyang sumagot dahil baka biglang maudlot ang napakagandang panaginip na iyon kapag nagsalita siya. Ilang beses na siyang laman ng panaginip niya. Ngunit mas dumadalas simula noong gabing magkakilala sila.

"Meng, nasaan ka?! Answer me, please!" sigaw ni Alden.

"Alden!" hindi nakatiis niyang sigaw.

Nagsimula na siyang tumakbo kung saan nagmumula ang boses ng binata. Habol ang hiningang mas lalo pa niyang binilisan. May ilang ulit na iyong nangyayari sa panaginip niya. Kapag nagsimula na siyang isigaw ang pangalan nito'y bigla na lamang naglalaho o nagigising siya. Iba-ibang lugar at sitwasyon, iisa ang wakas. Hindi sila nagkikita.

"Maine, dito! Malapit ako sa isang batis!" sigaw na naman niya.

Lalo pa siyang kumaripas ng takbo. Naiinis siya sa suot na magandang gown. Tila ito pa ang hahadlang sa pagkikita nila ng binata. Tumigil siya sa pagtakbo, hinubad ang kumikinang rin na kulay asul na sapatos at nilikom ang laylayan ng kaniyang damit. Dali-daling nagsimula ulit siyang tumakbo. May naririnig siyang mahinang ragasa ng tubig. Alam niyang malapit na siya sa batis.

"Stay there, Alden! I'm almost there!" sigaw niya rito.

Hindi ito sumagot. Nilukob siya ng matinding takot. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip. Ito na yata ang pinakamalapit nilang pagkikita at nais niya itong matuloy. Nakakaaapak man ng maliliit na sanga at nagkakadulas-dulas na'y binalewala lamang niya. Hindi siya tumigil na tumakbo. Hinding-hindi siya titigil.

Natalunton niya ang hinahanap. Hinihingal na tumigil siya sa pagtakbo. Habol-habol ang hiningang tinitigan niya ang binatang noo'y nakatagilid sa kaniya na minamasdan ang tubig sa batis.

"Ang ganda ng lugar, ano?" sabi nitong hindi pa rin humaharap sa kaniya. "Ang ganda ng reflection ng buwan dito sa tubig."

Nilingon rin niya ang tubig. Tunay nga ang sinasabi nito. Napakaganda. Ang buwan ay tila asul ang liwanag, hindi tulad ng karaniwan nitong kulay. Napangiti siya at muling nilingon ang binata. Nakaharap na ito sa kaniya. Napahugot siya ng hangin.

Napakagwapo nito. Nakasuot ito ng kulay krema na tuxedo. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa suot na pangibaba. Ang buhok ay nakaayos. Ang biloy ito sa kaliwang pisngi ay nanlalalim. Halos hindi na rin makita ang itim sa mata nito sa pagkasingkit.

"What?" she asked.

"You're as stunning as this place" bulong nito.

Kahit na mahigit pa sa dalampung pulagada ang kanilang pagitan nila'y dinig na dinig niya iyon. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Tila lumulobo ang kaniyang ulo. Napili niyang lingunin ang kaniyang bestida at pinagaksayahan nito ng panahon. Nahihiya siyang harapin si Alden.

"Please, come here" sabi nito.

Muling napaangat ang paningin niya rito at nabasa ang pagsusumamo sa mga mata nito, habang ang isang kamay nito'y nakaangat na tila hinihintay siyang humawak roon.

"Bakit?" takang tanong niya.

"I wanna hold you" sinserong sagot nito.

Natatakot man sa kung anong magaganap ay nagsimula siyang humakbang. Nakakatatlong hakbang na siya ng magsimula na ring itong maglakad, na nakapagpatigil sa kaniya. Nahihintakutan siyang pinigil ito.

"Please don't" sigaw niya.

Nakakunot ang noo nito. "Why?"

Marahas siyang umiling ng makailang ulit. "Ako na lang. Ako lang ang lalapit. Baka kung anong mangyari" sabi niya na ikinahinto nito.

Nagsimula na ulit siyang maglakad ng nakatungo nang nagsimula itong sumagot muli. "What could happen sa paglakad ko?"

Sa pag-angat ng kaniyang paningin ay may hindi siya napansin na bato sa kaniyang aapakan. Nang tumama ito a talampakan niya'y napahiyaw siya sa sakit at nawalan ng balanse.

"Maine!" pinilit ni Alden na abutin ang kaniyang kamay ngunit tila nahulog siya sa isang napakalalim at napakadilim na balon. Nawala sa paningin niya ang magandang hardin. Naglaho rin ang asul na buwan. Napaluha siya. Alam na niya ang nangyayari. Nagsimula na ring unti-unting maglaho si Alden sa kaniyang paningin.

GISING NA SIYA. Gising ngunit nais muling matulog at nagbabaka sakaling bumalik iyong panaginip niya. Nagising siyang humihikbi. Dahil tulad ng makailang beses, muling naputol ang napakagandang panaginip niya. Hayun na nga't magkakalapit na sila.

"Buwisit na bato!" gigil niyang pagpadyak sa kama.

Nilingon niya ang kaniyang dilaw na bedside clock at napagalamang alas kuwatro na ng madaling araw. Napabuntong-hininga siya. Maaga pa ngunit hindi na siya dinadalaw ng antok. Mukhang hindi na siya makakatulog pang muli. Bumangon siya at kinuha ang phone niya upang magtweet.

@cmainem : can't sleep. kung pwede lang na bumalik sa dream ko kanina. sigh.

Dahil na rin sa kakulangan ng magagawa sa nasabing app, nanood na lamang siya ng mga videos sa YouTube. Napagdiskitahan niya ang mga videos ng isang Korean show, ang Running Man. Kahit hilam ang mga mata sa luha, hindi nagtagal ay natagpuan niya ang sariling humahagalpak ng tawa. Nawala na ang lungkot na kanina'y lumulukob sa kaniya dahil sa naudlot na panaginip.

_____

Chapter 7 na po tayo. Yikeee! Mahaba sana ito, kaso naisip ko, mas maganda yatang sa next chapter iyon. Pakaabangan po.

Sana nagustuhan ninyo. Pasensya sa grammatical errors and typos. Phone pa din gamit ko. Sira kasi ang laptop at desktop. Kaloka di ba?

Anyway, iyong dream ni Maine? Totoong napanaginipan ko po iyan. Hehehehe. Pero hindi AlDub eh. Medyo minodify ko na rin para swak sa story.

Comment lang po kayo for any suggestion or any violent reaction. Open naman po ako.

Ciao!

11/06/2015
SJG (31989)

Hold MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon