Hold Me - Chapter VIII

524 18 0
                                    

Hold Me - Chapter VIII

IT WAS ONE of the nicest place he's ever seen. Hardin iyon na may samu't-saring bulaklak at halaman. Napapikit siya habang lumalanghap ng hangin. Napakagaan sa pakiramdam. Alam mo iyong amoy ng mga halaman sa hardin na bagong dilig sa umaga? Iyong pakiramdam na malapit ka sa kalikasan? That relaxing feeling whenever it pours hard outside the house and you're having a cup of hot coffee.

He scanned the place at napag-alaman niyang may isang napakalinis na batis sa kaniyang tabi. He looked down and saw a school of fish swimming towards him. Agad rin niyang napansin ang bilog na bilog na buwan, na may kulay asul na liwanag. It was a blue moon. And he smiled. Hindi niya matandaan kung paano siyang napunta sa lugar na iyon, ngunit ipinagpapasalamat niyang marating iyon.

"Alden!" a voice called out.

Pamilyar ang boses ngunit hindi naman niya mahinuha kung sino ang nagmamay-ari niyon. But it was the same voice that's been haunting his dreams. Hindi na niya mabilang kung may ilang beses na niyang nadinig ang tinig na iyon sa kaniyang panaginip. May pagtatakang nilinga niya ang lugar. Hindi niya makita ang dalagang pinagmumulan ng malalim ngunit malambing na tinig.

"Alden, I'm almost there! Stay, please!" muli'y sigaw nito.

Hindi niya makuhang sumagot. Hindi niya alam ang isasagot. Palagi ring ganoon. Sa tuwing tinatawag nito ang pangalan niya, hindi niya magawang magsalita. Lack of words. He didn't know what to say and he still is not sure how to respond to her cries.

"'Wag kang aalis, please?! Wait for me!" muli'y pagsusumamo nito. "Can you please answer me?! Are you still there?!"

"How'd you know where I am?" he answered.

Nagitla siya. It was his very first response. Kahit ang babae man, noo'y palaging pangalan na lamang niya ang hinihiyaw nito. Ngunit ngayo'y madami-dami na itong nasabi sa kaniya. Subalit naiinis siya sa sarili kasi'y hindi pa rin niya makilala ang boses.

Nais pa sana niyang sabihin kung nasaan na siya pero may naramdaman siyang presensiya sa gilig niya. Rinig na rinig niya ang bawat malalalim na paghinga nito, bunsod ng ginawang pagtakbo. Nagtaka siya dahil kahit ang paghugot nito ng hininga ay tila pamilyar rin sa kaniya. Para bang nakasama na niya ang babae. He shook his head lightly, upang magising sa tila malalim na isipin.

"Ang ganda ng lugar, ano?" sabi nitong hindi pa rin humaharap sa medyo hinihingal pa ring kasama. "Ang ganda ng reflection ng buwan dito sa tubig" sinusubukan niyang iwaglit sa isipan ang katotohanang maaari niyang kakilala ang dalaga.

Hindi niya napigilan ang sarili at nilingon na rin ang babae. Napahigit siya ng malalim na hininga at unti-unting napangiti. Hindi niya inaasahan na makakaharap na ang dalagang laging laman ng panaginip. Oo, malabo man ito at halos hindi makita ang mukha na parang salaming nag-moist ang kaniyang mata, naliligayahan pa rin siya. Ito rin kasi ang pinaka-unang pagkakataon na nakaharap niya iyong boses na nangungulit sa kaniyang tulog. To think that she is standing a few feet away from him.

"What?" she asked him.

"You're as stunning as this place" bulong niya. At totoo sa puso ang kaniyang mga binitawang salita.

Hindi man niya nakikita ang mukha, hindi man niya nakikilala ito, sa suot pa lamang nitong sky blue na ball gown na may mga guwantes sa mga braso ay alam na niyang napakaganda nito ng mga sandaling iyon. Naaaninag rin niya ang nakalugay at kulot nitong buhok. At sa hindi malamang dahilan, tila nahagip rin ng kaniyang paningin ang pulang-pula ang makapal na labi nito. Noon niya nasiguro, maganda nga ito. Hindi siya maaaring magkamali roon. Ito nama'y napatungo at nilaro ang gown nito.

Hold MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon