I'd often wonder, bakit nga ba talaga ako sumusulat? Bakit ko nga ba inuubos ang spare time ko para gumawa ng isang kwento about AlDub eh pwede naman akong magbasa or pwede namang manood na lang ako ng replays ng KalyeSerye sa FB page ng Eat Bulaga!, di ba? Pero naisip ko lang, hindi naman kasi paramihan ng reads eh. Or kung sinong author ang mas sikat. Whether I get a lot of readers or not, I'd still continue this. Kasi gaya ng AlDub, ang gusto ko ay makapagdala ng saya at kilig sa mga tao ng walang hinihintay na kapalit. So para sa mangilan-ngilang nagbabasa, enjoy po sa Chapter 2! :)
_____
Hold Me - Chapter II
(In Maine's POV)
BORED NA AKO. Wala naman kasi akong ginagawa dito. Photoshoot ni Ate Yan eh. I think it's for a magazine cover. Eh akala ko naman magiging busy ako. I expected a lot sa pagiging personal assistant ko, pero halos wala akong gawin.
"Meng, stay here. Sabihan kita kung may kailangang gawin" si Marian iyon. "Ate Lynn, coffee please? The usual, but get me a bigger size? Kulang ako sa tulog eh. Thank you!"
Iyon ang iniutos ng pinsan ko, may halos isang oras na ang nakalilipas. Nagprisinta pa nga akong ako na lang ang bibili ng coffee niya, pero hindi naman pumayag ang assistant mismo ni Ate.
"Ako na lang po, Ate Lynn. Para matutunan ko iyong mga dapat ko pong gawin."
"No need, Maine. Ako na lang. Maiwan ka na dito kasi kung kinakailangan ng Ate Yan mo ng katulong sa pagpapalit ng dresses later, at least nandito ka. Mas maalam ka sa bagay na iyan eh" pagpipigil ni Ate Lynn na siguro ay mahigit trenta na ang edad.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya nga ayaw ko ng trabaho sa opisina, dahil siguradong maiinip ako. Papel dito, papel doon. Pirma dito, pirma doon. Kaliwa't kanang board meeting. Echosera! Wala naman akong kahilig-hilig doon. I thought being a celebrity's personal assistant is challenging? 'Di din pala. Or is Ate Yan easing up on me? Ewan ko. Feeling ko, pinagtritripan ako nitong pinsan ko. I sighed again. Kinuha ko na lang ang iPhone ko at nag-Snapchat.
I fake yawned. "Bored. At Ate Yanyan's Preview Mag photoshoot! I' m not liking my first day."
"Psst! Uy, Meng! Anong ginagawa mo dito?" narinig kong nagsalita sa likod ko after mangalabit.
"Kuya Dong?" kunot-noo kong sabi.
I didn't have any idea na kasama pala 'tong boyfriend ni Ate Yan sa photoshoot. Akala ko naman si Ate lang. "Ano po ginagawa mo dito? Shoot ka din?"
He laughed. Problema nito? May nakakatawa agad? "Hindi, wala. Susunduin ko lang Ate mo. Dinner kami sa labas."
"Date night?" pagkaklaro ko naman.
"Yup!" masigla niyang sagot. Wow! Excited lang? Kabilib lang itong dalawang 'to eh. Imagine, four years na silang magkarelasyon pero 'andun pa din' yung kilig. Grabe siya! Eh di wow!
"Eh paano ako?" tanong ko naman.
"Bakit ka nga kasi 'andito? Nakakagulat kang bata ka. Sa tinagal-tagal ng nagaartista ng pinsan mo, ngayon mo pa naisipang sumama?" tanong pabalik sa akin ni Kuya Dong.
"Assistant po ako dito."
"Assistant? Assistant saan? Nino?"
Ngumiti ako. Proud kaya ako sa trabaho ko. "Assistant po ako ni Ate Lynn!"
Sinubukan naman niya. Sinubukan talaga ni kuya Dong na pigilin tawa niya, pero wala eh. Narinig ko pa din. "Assistant ka ni Lynn? Are you kidding me?!"
Napasimangot ako. Akala ba nila hindi ako seryoso sa trabahong 'to?! Na walang halaga sa akin ito?! Loko' tong nga 'to! Palagay ko, talagang pinagtritripan na ako nilang lahat eh! "What's funny?! Do you think I'd joke over something important, like my job?!" inirapan ko nga siya.
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...