Hold Me - Chapter X

512 17 2
                                    

Hold Me - Chapter X

"GOOD MORNING!" masiglang pagbati ni Maine sa mga kasama na nasa loob na ng isang fast food.

Sa isang sikat ngunit hindi ma-taong mall ang location ng shoot ni Alden ngayon. Nandoon rin si Bianca sa loob niyon, dahil sila ang kukuhanan ng mga eksena. Naroon pa rin ang dating pakiramdam niya na parang kumikirot ang puso tuwing makikita ang dalawa na magkasama. Ngunit binalewala na lamang niya iyon. Nagnilay-nilay siya kagabi matapos marinig ang caller sa isang radio program at ang mga payo dito ng DJ. Naisip niyang wala rin namang patutunguhan ang nararamdaman. Isa pa, trabaho ang pinupunta niya at sinasadya niya kay Alden sa araw-araw, hindi ang para kung ano pa man.

Sa seryeng ginagawa nila ay hindi magka-loveteam sina Bianca at Alden. Si Bianca ang antagonist ng kwento. At aaminin ni Maine, magaling ang babae sa kaniyang trabaho. Tunay na mahusay itong maapi sa mga pinagbidahan nitong roles noon, pero mas mahusay itong mang-api.

"Ang saya-saya, girl ha?!" si Nate iyon.

Napansin niyang napalingon sa kaniya si Alden ng nakangiti. Hindi na rin niya binigyan pa ito ng ibang kahulugan, tutal ganoon naman ito sa lahat. Parang laging may baong good vibes. Hindi niya tinapunan man lamang ito ng tingin.

Nakangiti pa rin siya na hindi iniaalis ang paningin kay Nate. "Siyempre! Dapat laging happy!"

"Eh 'di ikaw na!" si Nate ulit.

"Grabe siya!" natatawa niyang sabi.

"Kamusta, Maine? Hindi ka napagod sa pagdrive kagabi?" si Alden iyon.

Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit nito. Napansin niya rin ang kamay nito at ni Bianca na magkasalikop. "Okay naman iyong biyahe ko."

"Nagbreakfast ka na ba? Meron akong binili diyan kanina. Nakapagbreakfast na sila Nate, hindi ka na nahintay. Kami ni Bianca hindi pa eh. Tara? Sabay ka na sa amin?" paanyaya nito.

Tinignan niya ito at tipid na ngumiti, "Hindi na. Okay na ako, nakapagbreakfast naman ako bago umalis ng bahay. Medyo malapit naman ako dito kaya may extra time ako kanina for breakfast."

"Ganoon ba?" tila nanghihinayang na sabi nito. "Sayang naman iyong food mo na binili ko, walang kakain. Tabi na lang natin, snack or lunch mo na lang later?"

"No, I'm good. Pinabaunan ako ng food ng Nanay" tipid pa rin ang ngiting sagot niya. "I'll just go outside. May nalimutan ako sa car. I'll be back."

Tumalikod na nga siya at lumabas ng lugar na iyon. Para siyang hindi makahinga sa pagpipigil ng anumang nararamdaman niya. Mabuti na lamang at may kalayuan mula roon ang parking lot kaya naman may time siya upang mapakalma ang sarili. Hindi niya hahayaang dumaan pa ang ilang buwan na magiging miserable siya, kaya hangga't maari'y iiwasan na muna niya ito.

Pumasok siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Mabuti na lamang at heavily tinted iyon. Doon niya pinakawalan ang hanging kanina pa niya iniimpit. Maluha-luha niyang hinampas ang manibela. Bakit naman kasi kung kailan pa mas nakikilala na niya kung ano ang pakitungo ni Alden sa mga taong nakakasalamuha sa trabaho, saka niya napiling magmove on? Pero sabi nga ni Papa Jack, gugustuhin ba niyang lumipas pa ang isa pang araw na miserable siya?

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Nate. Agad naman itong sumagot sa ikatlong ring. "Oh, Maine? Bakit?"

"Nate, alis lang ako saglit. Daanan ko lang Nanay ko. Pinapapunta ako eh. Magsisimula na ba?"

"Ha? Biglang-bigla naman iyan. Pero sige sasabihin ko kay Alden. Or gusto mo ikaw na kumausap?" tanong nito.

"Hindi na. Pero kung magstart na, sabihan ko na lang si Nanay. I have her meds kasi, nalimutan kong iabot kanina" pagdadahilan niya.

Hold MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon