Hold Me - Chapter VI
SA BACKSTAGE NG Sunday Pinasaya, doon siya dinala ng kaniyang pinsan. Aniya, mayroon siyang sasabihing importanteng bagay ukol sa trabaho niya. Maine sighed. Alam niyang posible siyang bitawan ng kaniyang Ate Yan. Bakit nga naman hindi? Mayroon na itong PA at sa totoo lang, wala naman na rin talaga siyang magagawa.
Alam rin niyang naroon si Alden. Hindi pa niya ito nais muling makita, matapos ang tagpo kagabi. Mabait ngang talaga ito. Ngunit hindi naman niya maitatatwa na may nararamdaman siyang mas higit pa sa paghanga rito. Imposible man para sa iba, gusto niya ito. Pinapangarap niya ito. Pero hangal naman ang magsasabing pag-ibig na iyon. Gusto niya sana itong makilala ng lubusan. Napailing na lamang siya.
Nasa loob siya ng dressing room ng kaniyang pinsan. Ang mga ito ay may last-minute rehearsals. Bukas naman ang telebisyon roon ngunit hindi niya magawang manood. Kinuha lamang niya ang kaniyang telepono mula sa bulsa ng kaniyang itim na skinny jeans at nagsimulang mag-tweet.
@cmainem : bored.
Binuksan na rin niya ang kaniyang Facebook Messenger at chineck kung mayroon siyang mga mensahe mula sa mga kaibigan. Wala. She sighed. Noon bumukas ang pintuan ng kwartong iyon.
Pumasok si Marian, kasunod naman nito ang boyfriend na si Dingdong. Napangiti si Maine. "At least, I have Kuya Dong to get bored with me" napangiti siya sa isiping iyon. Nagtaka siya nang iwang bukas ng dalawa ang pinto.
"Meng, may proposal si Dong sa'yo" sabi ni Marian na umupo sa tabi niya sa couch.
Hindi siya nagsalita ngunit nagtaas ng kilay. "Ano kaya 'yun?" isip na naman niya.
Ang Kuya Dingdong naman niya ay kumuha ng plastic na bangko at pumwesto sa kanilang harapan. "Maine, tutal gusto mong mag-PA at alam kong may talent ka sa fashion at makeup..."
"Wait..." pagpigil niya sa mga susunod pang sasabihin nito. "Don't tell me, ikaw ang magha-hire sa akin, Kuya? Aba'y kung payag si Ate, why not?!" nasasabik niyang sambit.
Umiling naman si Dingdong at inihagod ang kaliwang kamay sa buhok. "I'll hire you, yes. Pero hindi bilang PA ko."
"Eh ano?!" nagtataka na naman niyang tanong, na inilapag sa cellphone sa kaniyang kandungan.
"Kuya? Hinahanap mo daw ako?" sabi ni Alden, na noo'y pumasok sa dressing room ni Marian nang hindi kumakatok, dahil bukas naman ang pinto.
Nagulat naman si Maine sa bumungad sa kaniya. Kanina lang ay laman ng isip niya ang gwapong binata. At kanina din lang ay iniisip niyang ayaw pa niya itpng makaharap. "Dating gusto kong makita, hindi nangyayari! Ngayong gusto kong iwasan muna, panay naman ang litaw! Ano ba?!" hiyaw niya sa kaniyang isip.
"Eksakto ang dating mo, 'tol. Halika dito" at iminuwestra ni Dingdong na kumuha ito ng plastic stool upang umupo rin sa tabi nito, na kaharap naman nila Maine.
Ginawa naman ni Alden iyon, na nagtataka rin sa mga nangyayari. Pagka-upo niya sa tabi ng kapatid, agad naman niyang nakilala ang babaeng kagabi lang ay kakwentuhan sa labas ng bar.
"Maine?!" bulalas niya.
Ngumiti siya ng pilit. "Hi, Alden."
"Magkakilala na kayo?!" "You two know each other?!" magkapanabay na sabi nila Marian at Dingdong sa gulat.
Natawa ng hilaw si Maine, "Ate Yan naman, may hindi ba nakakakilala kay Alden Ricaforte?"
"We met kagabi" si Alden iyon. "Sa labas ng bar. I went out tapos siya naman, may hinihintay. Pauwi na daw siya n'un ang kaso inatake ng hika."
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...